Male starlet umatras na maghubad dahil sa GF at future in-law

0
39


Noong mag-usap sila ng manager ni male starlet ay okey lang daw na mag-shirtless ito sa eksena dahil nasa kundisyon naman ang katawan nito.

Tsaka panay naman daw ang pag-post nito ng mga shirtless photos nito sa social media kaya wala raw problema dahil babayaran na siya sa paghubad niya sa TV.

Pagdating daw sa set ng male starlet ay sinabihan na siya na maghanda na at lalagyan ng make-up ang katawan niya.

Parang maang-maangan ang male starlet na hindi niya alam na maghuhubad siya sa eksena.

Sinabi ng talent coordinator na nag-usap na sila ng manager nito at okey raw at approve ito sa eksena na maghuhubad ito ng pang-itaas.

Nag-excuse muna ang male starlet at tinawagan pa nito ang manager. Nakaramdam ng tension ang talent caster dahil parang ayaw pumayag ni male starlet na maghubad.

Noong kausapin ni talent coordinator ang manager ni male starlet, ayaw raw maghubad ng alaga nito dahil baka raw magalit sa kanya ang girlfriend nito.

Pinapa-delete nga raw ng girlfriend nito ang mga photos nito sa social media na dini-display nito ang kanyang katawan.

Ang ama raw kasi ng girlfriend ni male starlet ay may katungkulan sa isang simbahan, kaya baka raw maeskandalo ito sa paghuhubad ni male starlet.

Siyempre, nagalit ang talent caster dahil sa kaartehan ng male starlet. Mabuti na lang at may nakontak siya agad-agad na isa pang male starlet at minadali niyang papuntahin sa set.

Kaya pinauwi na lang niya ang maarteng male starlet dahil ipapahamak pa nito ang trabaho niya dahil sa kagustuhan nitong ma-please ang kanyang girlfriend at ang future father-in-law nito.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments