Malalaking pangalan sa mundo ng boxing, nagsama-sama

0
56



Nagsama-sama sina Manny Pacquio, Jeff Horn, at iba pang malalaking pangalan sa boxing sa ginanap na Brisbane Boxing Legends Reception.

Kasama sina Pacquiao at Horn sa legends luncheon sa Brisbane Convention Center kung saan pinarangalan ang ilang mga celebrities sa mundo ng boxing tulad nina promoter Bob Arum ng Top Rank, four-division world champion mula Panama na si Roberto Duran, sikat na announcer na si Michael Buffer, four time two-division world champion Tim Bradley, at world heavyweight champion mula Australia na si Joseph Parker.

Highlight ng selebrasyon ang pagdating ni Pacquiao na niyakap si Duran at ibang boxing greats sa entablado.

“Thank you so much for all being here. I idolize these people,” ani Pacquiao.

Inaabangan din ng lahat ang laban ng beteranong si Pacquiao at ng dating Olympian na si Horn.

“I’m torn because I love Manny and I’ve seen all of Jeff Horn fights,” ani Bob Sheridan, boxing analyst/commentator.

“Amazing guy Manny Pacquiao, young guy Horn, let’s see,” ayon kay Michael Buffer, boxing ring announcer.

Dumating na rin sa Brisbane ang London-based Pinay singer at aktres na si Christine Allado, na kakanta ng national anthem .

Horn, panatag na maaabot ang weight limit bago pa ang weigh-in 

Hulyo 1, sa ika-9 ng umaga naman gaganapin ang weigh-in nina Pacquiao at Horn sa higanteng Suncorp Stadium.

Pero kahit naghahabol pa si Horn sa pagbawas ng 8 pounds para sa 147 weight limit ngayong Sabado, panatag aniya ang kanyang loob.

Si Pacquiao naman, wala nang ensayo kaya pahinga, dasal at Bible study na lang hanggang laban sa Linggo. 

Wala na ring inaalala ang kanyang Team Pacquiao dahil tamang-tama na ang timbang niya. 

Nakakapag-relax pa si Pacquiao, nakikipagkuwentuhan at tawanan kasama ang kanyang team. Gabi-gabi rin hanggang Sabado ang Bible study ng kaniyang pamilya. 

Pay per view ng Pacquiao vs Horn sa Australia, ‘record breaking’

Samantala, ayon sa Queensland Tourism, record breaking ang pay-per-view sa Australia habang malapit na sa P50,000 ang huling bilang ng ticket sales sa Suncorp Stadium.

“We have the highest ever pay-per-view subscription for any event in the history of Australia,” ayon kay Kate Jones, Queensland tourism minister.

Pero hindi umano sanay ang Australian press sa malimit na pagiging late ni Pacquiao sa mga events, tulad noong press conference. 

“I think someone needs to give him a watch,” ani Adam Jackson ng 9 News Queensland.

“I had training as well that was held up… it’s a bit frustrating but what can I do he is the man of the show at the moment,” pahayag naman ni Horn.

Nabalita rin ang pagkumento ng promoter ni Horn tungkol sa madalas na pagti-text ni Pacquiao sa press con, pero sinabi ring nagbibiro lang si Dean Lonergan. 

— Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments