Malaking hakbang para sa kapayapaan

0
21


Mainit at matatag na muli ang relasyon ng Pili­pinas at Estados Unidos.

Pahayag ito ng Malacañang matapos mag-’one on one’ sina PDu30 at Pres. Donald Trump.
Lampas sa kalahating oras ang pag-uusap ng dalawang lider.

Ang usapin sa iligal na droga, terorismo at negosyo ang pangunahin sa ‘agenda.’

Hindi tinalakay ng dalawang lider ang isyu ng ‘karapatang pantao.’
Nangangahulugan ba na bibisita na sa Washington si PDu30?

***

Sana magtuloy-tuloy ang proseso sa pagkakasundo ng ASEAN at China, na simulan ang pag-uusap sa pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea.

Malaking hakbang ito para sa kapayapaan.

Kung dati ang Beijing ay naninindigan na makikipag-usap lamang sa mga indibiduwal na bansa na may ‘claims’ sa South China Sea, ang pagpayag nito na makipag-usap sa ASEAN – na binubuo ng sampung bansa- ay maituturing na positibong hakbang para maiwasan ang anumang tensiyon kung hindi ay gulo sa hinaharap.

***

Mahalaga ang ‘Code Of Conduct.’

Sa kodigong ito ibabatay ang lahat ng pagkilos lalo na ng mga tinatawag na ‘stakeholder,’ ang anumang mga desisyon may kinalaman sa South China Sea.

Ang mga nakikidaan sa lugar na ito, na nagsusulong sa prinsipyo ng ‘freedom of navigation’ ay dapat lamang kilalanin ang ‘Code of Conduct’ sa South China na pagtitibayin ng ASEAN at China.

***

Buhay pa ang demokrasya sa bansa.

Normal lamang na magkaroon ng demonstrasyon kung may mga ‘international event’ tulad ng ASEAN Summit.

Hindi kumpleto ang pelikula kung walang kontra-bida.

***

Ang pagpapatupad ng ‘traffic lockdown’ sa EDSA dahil sa ASEAN Summit ay nagpakita kung nasaan na ang timpi ng publiko sa traffic.

Ilang high profile personality ang napundi, hindi nakaya ng kanilang ‘powers’ ang matinding traffic sa Metro Manila.

Isang personalidad ang pinagpapaliwanag ngayon ng LTO kung bakit hindi dapat kasuhan sa paglabag sa ‘lockdown.’

***

Ang naganap na ‘lockdown’ ay ipinakita lamang na ‘puno na ang tapayan.’
Dumating na sa pinakalundo ang pagtitiis ng publiko.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments