Maine, umamin na sa relasyon nila ni Alden | Tempo

0
28


BAGONG pasok na karakter sa “Super Ma’am” si Rita Avila bilang isang policewoman na kaibigan ni Al Tantay (gumaganap na tatay ni Marian Rivera). Nagkatrabaho na sina Rita at Marian sa isang GMA series noon kung saan naging malapit sila sa isa’t isa. Sobrang happy si Marian na magkatrabaho sila muli ni Rita sa “Super Ma’am.” “Basta para kay Marian, anytime,” saad ni Rita.

Samantala, mga engkanto ang bagong kalaban ni Minerva (Super Ma’am). Maraming pagsubok ang pagdaraanan niya bago makuha ang halamang gamot na makakapagpagaling kay Katitay (Altheya Ablan) para mawala ang pagiging manananggal nito.

Usap-usapan naman sa YouTube ang ina-upload na video ng GMA YouTube account na pakikipaglaban ng full force super heroes na sina Super Ma’am at Super Teens upang puksain ang mga manananggal. Kasalukuyan itong nasa Top 15 ng YouTube.

Hanggang January 2018 pa ang airing ng “Super Ma’am” at pagkatapos nu’n, pwede nang pagbigyan nina Marian at Dingdong Dantes ang birthday wish ng kanilang panganay na si Baby Zia na magkaroon ng baby brother (or sister). Zia turned two years old on Nov. 23.

Naghahanda na

Mukhang naghahanda na si John Lloyd Cruz sa pagiging ama. Sa IG story ni Ellen Adarna, may hawak na cute baby ang Kapamilya actor. Kaanu-ano kaya ni Ellen o ni JLC ang baby?

Wala pa ring formal na pag-amin ang dalawa kung buntis nga si Ellen. Tahimik din ang kani-kanilang kampo.

How true kaya na diumano, nakausap na ni JLC ang parents ni Ellen tungkol sa sitwasyon nito ngayon? Nakabalik na ng Pilipinas ang aktor mula sa United States kung saan dumalo siya sa kasal ng isang kamag-anak.

Asa pa kaya?

Asa pa kaya ang AlDub fans kahit sinabi na ni Maine Mendoza na friends lang talaga sila ni Alden Richards?

Nagpakatotoo lang si Maine dahil ayaw niyang bigyan ng false hope ang kanilang fans.

Sana’y maunawaan ng fans na hanggang reel love team lang sila ni Alden. Never silang umamin na may relasyon sila.

Hanggang pakilig lang sila ng fans.

Kung talagang type ni Alden maging girlfriend si Maine, noon pa sana niya ito niligawan. Tanggapin na lang sana ng AlDub fans na hindi meant to be sina Alden at Maine. Hindi nila destiny ang isa’t-isa.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/11/30/maine-umamin-na-sa-relasyon-nila-ni-alden/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments