Maine total fangirl to ’90s teenstar Kim delos Santos | Tempo

0
182


By RUEL J. MENDOZA

HINDI naitago ng Phenomenal Star and Dubsmash Queen Maine Mendoza ang kanyang pagiging fangirl noong ma-meet niya nang personal ang former ‘90s teen star na si Kim delos Santos.

Bumisita si Kim sa studio ng “Eat Bulaga” at doon ay na-reunite siya sa kanyang kasabayan noon sa mga teen flicks ng Viva Films na si Sunshine Dizon. Nagkasama rin sina Kim at Sunshine sa mga ‘90s teen shows ng GMA-7 at Viva Television na “TGIS” at “Anna Karenina.”

Nakipag-selfie din si Kim sa mga Dabarkads ng “Eat Bulaga,” kabilang na si Maine na aminadong fan na fan siya ni Kim noong bata pa lang siya.

Heto ang caption ni Maine sa pinost niyang photo kasama si Kim:

“I have been a fan of 90s Tagalog cheesy films since I was a kid. Some of my favorites are Dito Sa Puso Ko, Honey My Love So Sweet, Wala Na Bang Pag-ibig, DoReMi, Kung Ayaw Mo Huwag Mo, and Ikaw Lamang. These movies never fail to make me happy and they also make me squeal like a pig because of kilig– up until now! Today, I met Ms. Kim delos Santos; and I could not suppress my excitement and happiness when I saw her in Eat Bulaga studio (malayo pa lang!), lalo na when she came up to me and gave me a hug. My fangirl heart is happy that I finally got to meet her, but I am happier to know that she is an AlDub fan too! I could not help but utter her famous line (from Ikaw Lamang) right in front of her, “eight eight eight eight, otso otso otso otso!”– means I love you! 😊❤”

Isa sa sikat na loveteams noong ‘90s ang tambalan nila Kim delos Santos at Dino Guevarra. Mga kasabayan nila ay ang tambalan nila Antoinette Taus at Dingdong Dantes; at Sunshine Dizon at Polo Ravales.

Nagbida sina Kim at Dino sa pelikulang “Ikaw Lang.” Ginawa rin nila ang mga pelikulang “Kiss Mo ‘Ko,” “Dahil May Isang Ikaw” at “Honey, My Love, So Sweet.”

Nagsimula bilang child actress si Kim noong 1989 at na-introduce siya sa pelikulang “Rosenda” bilang anak ni Janice de Belen at Gabby Concepcion.

Nasa bansa si Kim para sa isang mabilisang bakasyon. Kasalukuyang nagtatrabaho ang 35-year old former teen star bilang isang registered nurse sa New Jersey.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/07/28/maine-total-fangirl-to-90s-teenstar-kim-delos-santos/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments