MAINE, EXPERT NA SA HALIKAN KAY ALDEN!

0
55


maine-alden
MAINE at ALDEN

Iyakan na walang humpay ang naganap sa last taping day ng Destined To Be Yours. Isang big wedding scene ang kinunan sa isang garden kunsaan naging tagpuan nina Benjie (Alden Richards) at Sinag (Maine Mendoza) sa Pelangui.

Naging sobrang close na ang buong cast kaya hindi mapigilan na totoong luha ang umagos sa mga mata noong kunan ang wedding scene ng dalawa.

Anyway, may nagbiro kay Maine na sanay na sanay na itong naka-wedding gown at paulit-ulit na lang daw itong ikinakasal parati.

Sa Kalyeserye kung saan Yaya Dub pa si Maine ay tatlong beses siyang nagsuot ng wedding gown at tatlong beses din siyang kinasal.

Una ay ang naudlot na kasalan nila ni Frankie Arinoli (Jose Manalo) dahil nahimatay siya at itinakbo sa ospital.

Pangalawa ay ang natuloy nilang kasal ni Frankie, pero ang ending ay peke pala ang pari kaya nakaligtas si Yaya Dub.

Pangatlo ay ang pagpapakasal nila ni Alden sa simbahan kunsaan nahimatay pa si Lola Nidora (Wally Bayola) at muntik nang hindi matuloy ang kiss ng dalawa sa bandang huli.

Kumportable na ngang maghalikan sina Alden at Maine kaya hindi na raw kailangan magkaroon ng rehearsal sa magiging kissing scene nila.

Sa teleserye ay nakailang beses silang nagtukaan na ikinabaliw ng kanilang fans na AlDub Nation.

Ngayon ay nagtapos na ang Destined To Be Yours, ang second AlDub mo­vie naman ang haharapin ng dalawa.

Pero si Maine ay tatapusin ang kanyang libro na balita ay sa second anniversary ng AlDub loveteam ire-release.

The post MAINE, EXPERT NA SA HALIKAN KAY ALDEN! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments