Maine at Sef, friends lang daw | Tempo

0
87


MALAPIT na ang Father’s Day, kaya naging emotional si Bea Binene noong natanong siya tungkol sa kanyang daddy. Aniya, matagal na silang hindi nagkikita.

Matagal nang hiwalay ang parents ni Bea. Lumaki’t nagdalaga siya sa piling ng kanyang mommy Carina. Ani Bea, wala siyang galit o tampo sa kanyang daddy. Bagkus ay sobrang nami-miss niya ito. “Gusto ko lang, alagaan niya ang sarili niya,” sabi ni Bea nang nakausap namin kamakailan.

Feeling niya, aware naman ang daddy niya sa mga nangyayari sa buhay at career niya. Feeling ng “Mulawin vs. Ravena” star, proud ang daddy niya sa kanya at sana raw ay mapanood nito ang paglabas niya sa MVR where she plays Anya.

“Excited na akong lumipad. Nag-e-enjoy ako sa harness na ikinakabit sa akin. Medyo mabigat ang mga pakpak ko, pero okey lang. Hirap lang ako kapag umuupo kapag break time. Dapat walang sandalan ang silya,” ani Bea.

Inokray

‘Kaaliw ang post ni Lovi Poe sa social media na inokray niya ang kanyang sarili. Halata kasi ‘yung pimple niya sa baba, kaya ang post ng Kapuso actress, “Sige, lumapit ka nang malunod ka. Si Magindara, kahit Diyosa ng Tubig, hindi exempted. May tagyawat sa baba.”

Magindara ang karakter ni Lovi sa “Mulawin vs. Ravena” na anak ni Sandawa (Regine Velasquez). Kasama sa cast si Ariel Rivera bilang Panabon. Nag-throwback ang televiewers sa eksenang nag-holding hands sina Sandawa at Panabon na mukhang may pagtingin ang huli sa Reyna ng Kalikasan. May kilig factor kahit in real life, happily married sina Ariel at Regine sa kanilang respective partners na sina Gelli de Belen at Ogie Alcasid. May isang panahong nagkarelasyon sina Ariel at Regine.

Friends lang daw, o!

As expected, itinanggi ni Sef Cadayona na may “something” sila ni Maine Mendoza. Friends lang sila, sabi ni Sef sa mga nakausap na reporters na dumalaw sa taping ng “Meant to Be.”

Ayon pa kay Sef, marami silang magbabarkada at never pa sila lumabas ni Maine na silang dalawa lang. Nagkakilala sila noong madalas siyang mag-guest sa “Eat Bulaga.” Si Alden Richards ang nagpakilala sa kanila ni Maine.

Sabi pa ni Sef, kung “sila” talaga ni Maine ay aaminin niya. Pero hindi raw talaga “sila.” Noong naging “sila” ni Andrea Torres, hindi inamin ni Sef. Noong nag-break sila, hindi pa rin siya umamin. Nito lang huli siyang nakausap ng press, saka lang umamin si Sef na naging “sila” ni Andrea.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/06/maine-at-sef-friends-lang-daw/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments