Mailap na French Open trophy hahabulin ni Venus

0
58


venus-williams
Pahirapang ibinalik ni Venus Williams ang bola kay Qiang Wang sa first-round match sa Roland Garros. Sa 6-4, 7-6 (3) panalo ay pasado si Williams sa unang subok sa paghahabol sa mailap na French Open title sa pang-20 appearance sa red clay tournament. (AFP)

PARIS (AP) — Nasa kanyang record 20th appearance sa ­Roland Garros, tatangkaing habulin ni Venus Williams ang mailap na French Open trophy.

Sa mga women players, si Williams na ang may pinakamaraming inilaro sa red clay ng Roland Garros, pero isang beses pa lang siyang lumampas sa quarterfinals  nang matalo sa 2002 finals sa nakababatang kapatid na si Serena.

Nailusot ni Venus ang unang subok, madaling kumampay sa second round via 6-4, 7-6 (3) victory kay Qiang Wang ng China. Dalawang set points ang nai-save ng seeded­ 10th na si Williams para manalo.

Sunod na haharapin ng 36-year-old American si ­Kurumi Nara ng Japan.

“Is it 20 already? I thought I missed a few, but apparently­ not,” nangingiting sabi ni Williams. “Here we are. You know, what an experience. What can I say?”

Mag-37 na sa susunod na buwan si Williams, pero ­hindi pa nag-slow down. Nakarating pa siya sa kanyang 15th Grand Slam final noong January  halos walong taon pagkatapos ng kanyang 14th. Yumuko lang siya muli kay ­Serena sa Australian Open.

Natigil naman ng 10 minutes ang first-round match ni defending women’s champion Garbine Muguruza at 2010 champion Francesca Schiavone sa Philippe Chatrier court nang isang spectator ang nilapatan ng first aid sa stands.

Lunes din inumpisahan ni men’s champion Novak Djokovic ang title defense laban kay Marcel Granollers ng Spain.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments