Luis, ipinakilala na ni Jessy sa ama | Tempo

0
83


IPINAKILALA na ni Jessy Mendiola sa kanyang British-Lebanese father si Luis Manzano. Tinawag pang “papa” ni Luis ang father ng kanyang girlfriend.

Four years hindi nagkita si Jessy and her dad, kaya sobrang na-miss niya ito.

Ipinost ni Jessy sa social media ang picture na magkakasama silang tatlo na mukhang botong-boto kay Manzano at tanggap na tanggap ng daddy ni Jessy ang kanilang relasyon.

Tuwang-tuwa at kilig-kiligan naman ang fans and followers nina Luis at Jessy na mukhang seryoso na talaga si Luis kay Jessy. May mga umaasang siya na ang babaeng pakakasalan ni Luis.

Samantala, itinanggi ng TV host sa interbyu ng Pep.ph na nagkakalabuan sila ni Jessy. Aniya, huwag agad maniniwala sa mga sinasabi ng ibang tao, sa mga naririnig o sa mga lumalabas sa social media. Gawain lang daw ‘yun ng mga taong gustong gumawa lang ng isyu.

Tinext pa siya ng kanyang mommy (Congresswoman Vilma Santos-Recto) at tinanong kung totoo ba ang nababalitaan niya.

Sinabi niyang huwag ito basta maniniwala sa mga naririnig, nababasa o lumalabas sa social media.

Nagtaray naman si Jessy sa ng ilang bashers na nalaglag siya sa 2017 FHM’s Top 10 Sexiest Pinay. Napalitan siya ni Maine Mendoza na pumasok sa pang-sampung slot, base sa recent partial and unofficial on line poll.

May mga nagsabi pang siya ang number one Sexiest Pinay last year, this year ay laglag na siya. Ang mataray na sagot ni Jessy, hindi naman niya ikamamatay kung hindi siya nakasali sa Top 10 Sexiest Pinay ng FHM.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/16/luis-ipinakilala-na-ni-jessy-sa-ama/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments