Lubusang kilalanin si Miss Universe Philippines Rachel Peters

0
31



Kilala ang 26 anyos na si Rachel Peters bilang pambato ng Pilipinas sa prestihiyosong Miss Universe pageant.

Subalit bukod sa titulo, maningning na korona at magagarbong kasuotan, marami pang bagay hinggil kay Rachel ang maaaring makapukaw sa interes ng nakakarami.

Narito ang ilan pang impormasyon tungkol kay Rachel:

1. PAMILYA

British ang ama ni Rachel na si Nigel Peters habang tubong Bicol naman ang ina nitong si Annie. Naka-base sa Phuket, Thailand ang mga magulang ni Rachel.

Kasama ni Rachel na naninirahan dito sa Pilipinas ang lalaking kapatid na si Daniel.

Hanapbuhay ng kanilang pamilya ang magpadala ng mga international artists sa Asya.

2. NAG-ARAL SA IBANG BANSA

Ayon sa kaniyang profile sa Binibining Pilipinas website, nagkamit si Rachel ng International Baccalaureate sa British School sa Phuket, Thailand.

Mayroon din itong Bachelor of Business, Tourism and Events mula sa La Trobe University in Australia.

3. NAG-ORGANISA NG MGA KONSIYERTO

Dahil sa natapos niyang kurso, sumabak din si Rachel sa events.

Nabigyan siya ng pagkakataong mag-organize ng mga konsiyerto para sa ilang international artists.

“I have been living and breathing events for as long as I could remember. I’ve been lucky enough to work with artists such as Katy Perry and Christina Aguilera,” ani Rachel.

4. ‘BEACH BABY’

Patunay ang Instagram feed ni Rachel sa pagkahilig nito sa mga beach.

Sa kaniyang panayam sa Binibining Pilipinas, sinabi ni Rachel: “I have been a beach bum or baby for as long as I can remember.”

5. ‘DOG PERSON’

Bida rin sa Instagram ni Rachel ang mga aso nila ng nobyong si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Inilalarawan ni Rachel ang kaniyang sarili bilang “crazy dog lady” dahil sa pagkahumaling niya sa mga aso.

6. MAPAGKAWANGGAWA

Nang maminsala ang bagyong Glenda sa Bicol noong Hulyo 2014, kabilang si Rachel sa mga boluntaryong namahagi ng relief goods sa mga residente.

Dito niya unang nakilala ang nobyong si Migz Villafuerte. Halos tatlong taon nang magkarelasyon ang dalawa.

Noong 2016, kabilang din siya sa mga namahagi ng relief goods sa mga residenteng apektado ng bagyong Niña.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

WATCH the 66th Miss Universe pageant on November 27, 8 am (Manila time) on ABS-CBN’s Channel 2



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments