LRT tumakbong bukas ang pinto

0
32

Viral sa social media ang video ng isang lalaking estudyante na pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 kung saan makikitang bukas ang pintuan ng tren habang tumatakbo ito kamakalawa ng gabi.

Base sa video post sa Facebook ni Jason Ibe, estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde, makikitang umaandar ang tren ng LRT-1 na bukas ang pintuan nito mula Vito Cruz hanggang Quirino station.

Posted by Jason Ibe on Monday, November 27, 2017

Ang video post ng binata ay nilagyan pa nito ng caption na, “Parang nasa star city lang ako hahahaha. Bucket list achieved: makasakay sa LRT na bukas ang pinto,” saad ni Ibe na umani ng aabot na sa 400,000 views at libo-libong shares sa Facebook.

Isinisi naman ni Engineer Rod Bolario, operations director ng LRT-1, ang pagbukas ng pintuan ng tren sa isang pasahero na umano’y puwersahang binuksan ang saradong pinto.
Pero, walang maiturong suspek si Bolario dahil agad aniyang bumaba ang lalaking nagbukas ng pintuan ng tren pagdating sa Quirino station.

Gayunman, inamin naman din nito na depektibo ang pinto ng tren kaya nang pilitin itong buksan ng pasahero ay bumukas nang hindi nadi-detect ng train operator.

Dahil sa insidente ay humihingi na ng paumanhin sa mga pasahero ang pamunuan ng LRT-1 at ang nasabing tren ay agad namang inayos pagdating sa depot.

Paalala naman ng pamunuan ng LRT sa mga commuters, huwag bubuksan ang mga pinto ng tren lalo na kung umaandar dahil mapanganib.

Sakali namang hindi inaasahang bumukas ang pinto habang tumatakbo ang tren ay maging mahinahon din ang mga mananakay para walang mapahamak. (Edwin Balasa)Viral sa social media ang video ng isang lalaking estudyante na pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 kung saan makikitang bukas ang pintuan ng tren habang tumatakbo ito kamakalawa ng gabi.

Sakali namang hindi inaasahang bumukas ang pinto habang tumatakbo ang tren ay maging mahinahon din ang mga mananakay para walang mapahamak. 

All Credit Goes There : Source link

Comments

comments