Lovi Poe, naipakilala na ang French BF sa kanyang pamilya | Tempo

0
120


MUKHANG seryoso na ang relasyon ni Lovi Poe sa French boyfriend niyang si Chris Johnson. Naipakilala na ng Kapuso actress at star ng “Mulawin Vs. Ravena” si Chris sa kanyang mommy, former actress Rowena Moran at sa kanyang stepmom, former Movie Queen Susan Roces.

Nakilala na rin ni Senator Grace Poe si Chris nang dumalo sila ni Lovi sa blessing ng isang brand ng watch na business ng anak nitong si Brian Llamanzares. ‘Yun ay bilang suporta ni Lovi sa project ng kanyang pamangkin.

Bagaman wala pang pag-amin si Lovi na officially together na sila ni Chris, hindi na kailangang kulitin pa siya sa totoong estado ng kanilang relasyon. May pakiyeme pa si Lovi na ayaw niyang lagyan ng label kung anuman ang namamagitan between her and Chris.

Basta masaya sila at enjoy sa company ng isa’t isa. They get along well at magkasama sa travels nila here and abroad. ‘Yun na ‘yun!

May tsika pang diumano’y nagli-live-in na sina Chris at Lovi sa bahay ng aktres somewhere sa QC. Mariing itinanggi ito ng aktres na aniya, may sariling pad sa south si Chris. Nagpupunta lang ito sa bahay niya at kung minsan ay ipinagluluto siya ni Chris.

May mga nag-iisip naman na hindi raw kaya nag-i-sleep over si Chris sa bahay ni Lovi and vice-versa? If ever, aamin ba naman?

Ayon kay Lovi, she’s in a happier place now. Happy heart, happy life siya ngayon. Career-wise, maganda ang takbo ng kanyang career. Gustung-gusto niya ang karakter niya sa “Mulawin vs. Ravena” where she plays Magindara, goddess of the sea. One of her dream roles ‘yun, anang aktres. Parati siyang excited mag-report sa taping at type na type niya ang kanyang costume. Feeling goddess siya talaga kapag naka-costume siya.

Si Regine Velasquez bilang Sandawa ang gumaganap na ina ni Lovi sa “Mulawin vs. Ravena.” Dream come true rin kay Lovi na katrabaho niya ang Asia’s Song Bird.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/03/lovi-poe-naipakilala-na-ang-french-bf-sa-kanyang-pamilya/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments