Love letter ni Aga para kay Lea, kinakiligan ng fans

0
92



Kinakiligan ng fans ang love letter ni Aga Muhlach para kay Lea Salonga na muling lumutang ngayong linggo.

Nahalukay nitong Sabado ng isang Twitter user ang nasabing sulat na nailathala sa libro ni Salonga na ‘Playlist — A Celebration of 35 Years’ apat na taon na ang nakararaan. 

Sa ‘Love Letter to Lea’, inihayag ni Muhlach ang kanyang pag-ibig para sa katambal sa pelikulang “Sana Maulit Muli”. Aniya, hindi kailanman nalaman ni Salonga ang tungkol sa pagmamahal na ito. 

“Lea is the one that got away. And she never knew,” panimula ni Muhlach.

Inalala rin ni Muhlach kung paanong muling binuhay ng tambalan nila ni Salonga sa pelikulang ‘Bakit Labis Kitang Mahal?’ ang kanyang career. 

“Lea, bakit labis kitang mahal? It’s because you are, and have always been, so real. Walang kaplastikan, walang arte, walang drama. Pinakita mo sa akin ang totoong pagkatao mo. You are the real thing,” ayon kay Muhlach.

Higit pa rito, nagkaroon din ng mabuting epekto sa buhay ni Muhlach ang makasama si Salonga sa trabaho. 

“She never knew how much she taught me. She is the ultimate professional, aka, she is always on time! Kapag call time 8AM, 8AM talaga. Walang 8:05, 8:15. Kaya pati ako, napilitang maging maaga!” kuwento niya. 

Binati rin ni Muhlach si Salonga para sa 35 taon nito noon sa industriya. 

“Congratulations, my dear, on all your success. You deserve it! Mahal kita. And congratulations in advance on our third movie– all good things come in threes, di ba? Kaya… sana maulit muli!”

Dahil sa sulat na ito, muling nanawagan ang fans para sa ikatlong pelikula ng dalawa. Nauna nang inanunsiyo ng Star Cinema ang pelikula noong 2015, ngunit naituloy dahil sa hirap sa pag-schedule. 

Ayon naman sa tanyag na singer na kasalukuyan ding hurado sa “The Voice Teens”, maaaring abangan ng fans ang isang proyektong matagal na nilang hinihintay. 

Nitong nakaraang buwan, nakita ang dalawa na lumabas kasama ang kani-kanilang mga asawa. Kasal si Salonga kay Robert Charles Chien, samantalang si Charlene Gonzales naman ang asawa ni Muhlach. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments