Liza, excited na para simulan ang shooting ng Darna

0
46



Kasama ang ilang Hollywood celebrities na gumanap ng iconic roles sa pelikula, binuksan ni Liza Soberano na gaganap bilang Darna ang 2017 Toy Convention noong Sabado sa SMX Convention Center sa Pasay.

Naging espesyal din ang event dahil dito unang nagkaharap si Liza ang pamilya ni Mars Ravelo na may likha sa Pinay superhero.

At bilang pasasalamat ng mga Ravelo kay Liza, isang rare Darna memorabilia ang ibinigay ng pamilya sa bagong gaganap bilang Pinay superhero.

“They congratulated me at first and then, actually hindi kami masyadong nakapag-usap dahil ang daming tao. I’m really happy to be able to meet them and I hope that one day I can pass on the legacy that they’ve been bringing on,” ani Liza.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng fans, mas excited na si Liza na simulan na ang shooting ng pelikulang Darna.

“Actually now that I’ve seen the statue and all the merchandise, I’m really excited na makapag-shoot and be able to actually connect to the people who are waiting for the big reveal of the costume and everything,” ani Liza.

Habang tumatagal mas nakikilala na ni Liza kung sino ba si Darna at kung ano ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng komiks, sa telebisyon, entablado at pelikula.

“I’ve read the three comic books Ate Angel (Locsin) gave me and I’m kind of getting an insight on how she is, as soon as we start working on the script and everything then I’ll get to know a little more about her, her past and everything, ” ani Liza.

Nabanggit naman ng Darna movie director na si Erik Matti na si Liza ang perfect choice na gumanap sa role, naging humble si Liza nang malaman niya ito.

“I don’t know if I’m the perfect Darna, not naman I’m trying to be but I’m trying my best to really prove to everybody that I’m rightful for the role and I hope that I can,” ani Liza.

Excited na ang lahat sa muling paglipad ni Darna at sa inspirasyon at suporta na nakukuha ni Liza, sigurado na mas pagbubutihin niya ang bawat eksena bilang si Darna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments