Liza, ang bagong Darna? | Tempo

0
172


TINEXT namin si Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano at tinanong kung totoo bang final choice na ang alaga niyang aktres para gumanap bilang Darna. Diumano, nagte-training na si Liza sa isang tagong lugar para sa fight scenes na gagawin niya.

Hanggang natapos naming ang kolum na ito, deadma si Ogie sa text namin. Baka ayaw lang niyang pangunahan ang Star Cinema sa announcement sa napiling gumanap bilang Darna.

Marami ang sang-ayon kung si Liza na nga. Perfect choice siya.

Inabangan

Worth the wait ang pagbabalik sa ere ng “Mulawin Vs. Ravena.” Talagang inabangan ng Kapuso viewers ang pilot telecast nito at muling nabuhay ang kanilang excitement sa pagsubaybay sa naturang GMA fantaserye gabi-gabi.

Bongga ang setting, production design, costumes, special effects. Kaabang-abang panoorin ang bawat episode na feeling mo, nasa ibang mundo ka.

Malapit sa puso

Malapit sa puso ni Andrea Torres ang mga special children. May kapatid kasi siyang special child na aniya, alam niya ang challenge sa pag-aalaga ng mga batang katulad ng kanyang kapatid. “Kailangan ng dobleng pagmamahal at care,” anang Kapuso sexy star.

Noong nakaraang birthday ni Andrea ay kasama niyang nag-celebrate ang mga special children na nasa pagkakalinga ng Reach Foundation.

Bukod sa nakipaglaro si Andrea, kasama pa niyang nanood ang mga bata ng local animated film na “Urduja.” Aniya, ang sarap ng pakiramdam dahil nakita niya kung gaano kasaya ang mga bata.

Kinabahan

First time ni Sanya Lopez nag-abroad, kaya sobrang kinabahan siya noong nakapila siya sa Immigration para interbyuhin. Nagpunta siya sa Vancouver, Canada para sa isang show ng GMA Pinoy TV with Rocco Nacino.

Ani Sanya, paulit-ulit ang mga tanong sa kanya. Wala pang tatak ang passport niya dahil first travel niya abroad.

Natakot siya na baka ma-deny siya at hindi pasakayin sa eroplano.

Nawala lang ang kaba ni Sanya noong natapos ang interbyu sa kanya. Natuwa siya nang pagdating niya sa Canada ay kilala siya bilang Danaya, ang karakter niya sa “Encantadia.”

Huli na

Nalalapit na ang final judgment ni William (Marc Abaya) sa “Legally Blind.” Paigting nang paigting ang mga kaganapan.

Kahit huling-huli na si William ang nang-abuso kay Grace (Janine Gutierrez), patuloy pa rin siyang gumagawa ng paraan para makalusot.

Wala namang magawa si Edward (Mikael Daez) dahil nakakulong siya. Paano kaya maipaglalaban ni Grace ang katotohanan?

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/05/26/liza-ang-bagong-darna/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments