LIFTERS TATARGET NG 2 GINTO

0
28


Target ng powerlifting team ang dalawang medals, isa kay Adeline Dumapong-Ancheta sa 9th ASEAN Para Games na sisimulan sa Linggo sa Bukit Jalil National Sports Complex sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Malaki ang tsansa ni Dumapong-Ancheta, 43, na sumikwat ng ginto sa over-86 kilograms division habang ang isa pa ay puwedeng makuha ni ve­teran Achelle Guion, 44, sa 45-kg category.

“That’s the team’s target, to get two golds and if we’re lucky, we could get more,” saad ni Dumapong-Ancheta.

Ang ibang miyembro ng team ay sina Marydol Pamatian, bronze meda­l sa Singapore edition, Agustin Kitan at Romeo Tayawa.

Nakatuon ang mga mata kay Dumapong-Ancheta na may plano nang magretiro pagkatapos ng biennial meet.

Anuman ang maging resulta ng kanyang laban, mananatiling taas noo ang Ifugao native, Dumapong-Ancheta na nagwagi ng apat na golds sa biennial meet, dalawang silvers sa Asian Para Games at unang medalya ng Pilipinas sa Paralympics sa Sydney, Austra­lia may 17 taon na ang nakaraan matapos sikwatin ang bronze. 

“Before, we only train if there’s competition and there was even a time we only one shirt with only our country’s flag as design. I also recall one time when we were refused entry into the athlete’s village because we haven’t paid our accommodation,” hayag ni Dumapong-Ancheta.

Nagbibigay ang Phi­lippine Sports Commission sa mga gold medal winners tulad ni Dumapong-Ancheta ng monthly P27,000,  P22,000 sa silver at P15,000 sa bronze habang ang developmental athletes at pool members ay tumatanggap ng P10,000 hanggang P12,000 kada buwan.

“In fairness, PSC chairman Butch Ramirez, since he took over last year, has made sure we receive our monthly salary on time,” ani Dumapong-Ancheta. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments