LETTER TO THE EDITOR 09/17/2017

0
37


Dear Sir:

Malaki at malakas pa rin ang paniniwala ng pamahalaan na nasa Marawi pa rin ang utak at may kagagawan ng gera sa naturang lungsod.

Batay sa pagsisiyasat ng mga sundalo hindi makawala sa Marawi si Hapilon. Hindi rin umano totoo ang balitang namataan ito sa Basilan ayon sa mga kumakalat na impormasyon.

Sa ganitong pagkakataon, ipaubaya na lamang natin sa pamahalaan at militar ang mga magiging hakbang nila. Huwag na sana tayo dumagdag sa problema lalo na sa pagkakalat ng mga impormasyong wala namang sapat na basehan.

Magdudulot lang ito ng takot para sa mga kapatid nating nasa mga lugar na kritikal lalo na at tahasang binabanggit pa kung nasaan umano ang presensya ni Hapilon.

Makipagtulungan na lamang tayo sa kinauukulan dahil sa yun lang ang ating maitutulong. Iwasan ang pekeng balita na nagdudulot ng pangamba sa mamamayan.

Jamaica Rey

Compostela Valley

***

Dear Sir:

Masyado ng toxic sa lipunan ang shabu at iba pang ilegal na droga at malawak na ang nasakop nito at ayon kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte posibleng hindi na nito kayaning maresolba hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022.

Patuloy pa rin ang operasyon at kampanya laban sa ilegal na droga na ngayon ay may kaa­nib pang tulong mula sa AFP upang mabilis itong masugpo.

Sikat ngayon ang pamilyang Parojinog sa Ozamiz, kung dati ay dahil sa sila ang siga ng Ozamiz ngayon ay dahil naman sa nasampolan sila ng PNP sa oplan tokhang.

Naging bukas at prangka ang pangul­o na ipahatid sa mga tao ang may kalabuan at walang kasiguraduhan na pag resolba sa iligal na droga­.

Batid naman ng sambaya­nan na ginagawa niya ang lahat, ngunit sadyang mahirap balansihin at kontrolin ang mga suliranin ng bansa lalu na at sinabayan pa ng mga rebeldeng grupo gaya ng NPA, Abu Sayyaf at Maute na mga sangkot at may koneksyon rin sa iligal na droga dagdagan pa ng mga Narcopolitician tulad nila Parojinog.

Andrew R. Aranas

Tanay, Rizal

***

Dear Sir:

Nagbigay na ng hudyat ang Armed For­ces of the Philippines na maaari ng bumalik sakanilang mga tahanan ang ibang bakwit. Ngunit, tanging mga nasa paligid lamang ng lawa ng Lanao at labas ng Marawi City ang mga awtorisadong bumalik.

Ang desisyong ito ng AFP ay para sa ating mga kababayan rin, sana sundin na lamang nila upang iwas disgrasya.

Maintindihan sana nila na hindi ganon kadali para sa pamahalaan na pabalikin sila kahit sinabing cleared na ito sa mga terorista.

Una, nariyan pa rin ang mga bombang hindi sumabog na maaring pumutok anumang oras, mga labi na naagnas pa at mga baktirya na maaring magdulot ng masama sa kalusugan.

Sana isaalang-alang muna nila ang mga ito at intindihin pa rin ang sitwasyon na hindi lang ito kagustuhan ng AFP kundi para pa rin sakanilang kapakanan.

Owen Daez

Nueva Ecija

***

Dear Sir:

‘Di nag-atubili si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na bumalik sa Marawi upang makausap ang mga sundalo at pataasin ang morale ng mga ito.

Ipinaabot niya sa mga sundalo ang balitang libre na ang tuition fee sa mga State Universities and colleges na kanyang ipinangako na popondohan nya ang trust fund para sa anak ng mga sundalo.

Batid ng pangulo ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga anak ng mga sundalo, kung kaya naman tama lang na inilagak niya ang pondo para rito.

Klein De Guia

Guagua, Pampanga



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments