LETTER TO THE EDITOR 05/27/2017

0
62


Dear Sir:

‘Di na magkamayaw ang mga Kristiyano na mailigtas ng militar sa kanilang pinagtataguan sa Marawi City, Lanao del Sur. Nananatili pa rin ang mga residente sa kanilang lugar dahil sa mga nakapaligid na mga miyembro ng teroristang Maute. Kamakailan lamang ay napabalita ang pagpatay sa siyam na Kristiyano na dumaan sa inaakalang checkpoint ng pulisya. Nabuo ang takot at pangamba sa mga mamamayan kung kaya naman nananatili sila sa kanilang mga tahanan, umaasa at nag-aabang ng tulong.

Hindi na nakapagtataka kung targetin talaga ng Maute ang mga Kristiyano, hindi na lingid sa ating kaalaman na pumapatay rin sila ng kapwa nila Muslim. Kaya naman sa ating mga kababayan magkaiba man tayo ng relihiyon, dapat lang na magkaisa tayo na ‘wag suportahan ang mga teroristang grupo. Pare-pareho pa rin tayong Pilipino at pare-pareho rin tayong napeperhuwisyo ng mga teroristang ito.

Klein R. de Guia
Guagua, Pampanga

Dear Sir:

Nagpahayag ng buong suporta ang Muslim Community ng Cauayan City sa Martial Law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao. Ayon kay Lino Calao, dating pangulo ng Muslim Community ikinalulungkot nila ang karahasan sa Marawi. Dagdag pa niya hindi umano gawain ng isang tunay na Muslim ang ginagawa ngayon ng Maute Group.

Anong masasabi dito ng mga miyembro ng iba’t ibang grupo sa Luzon na nagra-rally tungkol sa Martial Law? Kung ang mismong mga mamamayan at mga Muslim leaders ay sang-ayon at suportado ito, para saan ang pakikigulo ng mga raliyista partikular ang kilalang grupo ng Kadamay. Kadamay sa kalokohan at kadamay sa katamaran. Kadamay sa lahat ng isip talangkang pagra-rally na wala naman kahihinatnan. Hindi natin kailangan ngayon ang agaw-eksenang Kadamay na ‘yan dahil tulad din sila ng salot na terorista, salot sa lipunan na patuloy na pabigat sa ating inang bayan.

Mark R. Talledo
Cebu

Dear Sir:

Dahil sa declaration ng Martial Law sa Mindanao, naudlot ang pagiging DILG Secretary ni Gen. Eduardo Año. Na magaganap sana sa buwan ng Hunyo, 2017. Inatasan siya ni Pangulong Duterte ang siyang mag-implement ng Martial Law pero under sa order ni DENR Secretary Roy Cimatu na dating Chief of Staff. Nagtataka lang naman ako bakit kay Cimatu manggagaling ang order samantalang mayron naman tayong DND Secretary sa katauhan ni Delfin Lorenzana? Na isa rin siyang sibilyan at dating Major General sa AFP. Hindi nga lang dating Chief of Staff.

Hindi kaya napa-believe si Pangulong Duterte kay Cimatu dahil sa ginampanan niyang krisis sa Middle East? Nakita ng Pangulo ang passion ni Cimatu na maging matagumpay ang Martial Law sa Mindanao tulad ng pagresolba niya sa Middle East?

Kaya hangad ko ang inyong tagumpay sa pagresolba ng isang malaking krisis ng ating lipunan, ang paglipol ng mga teroristang naglipana sa Mindanao. Huwag ninyo na pong pansinin ang mga grupong labag na labag sa kanilang kalooban ang pagdeklara ng Martial Law. Dahil ang mga iyan ay may vested interest at naghahanap lamang ng media mileage. Pero kaming sambayanan ng Davao ay sumasang-ayon sa pagkadeklara ng Martial Law.

ANDREW A. DANTIS
Mati, Davao City

Dear Sir:

Inihayag ng mga opisyal ng gobyerno na may dayuhang terorista ang sangkot sa kaguluhan sa pagitang ng puwersa ng gobyerno at ng nagpoproklamang miyembro umano ng ISIS na Maute Group. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr. na may nakalap silang balita na mayroon Malaysians at Indonesians ang kabilang sa 12 na nasawi sa grupo ng Maute. Pahayag naman ni Solicitor General Jose Calida na may isang Singaporean Jihadist ang kasama sa bakbakan sa Marawi.

Huwag sana nating hayaan na ang mga dayuhang ito ang lalong magpasiklab ng terorismo sa ating bansa. Sana ay itigil na ng mga tagasuporta ng Maute group ang pagtulong sa grupo. Kinakailangan nilang maisip na bandang huli ay sila rin at ang kanilang mga pamilya rin ang lubos na maapektuhan ng kanilang pagsuporta rito. Halintulad na lang sa mga kabataan na nasasakripisyo ang pag-aaral dahil sa patuloy na bakbakan. Kung patuloy lang ang pagsuporta ng ating mga kababayan sa mga terorista, ngayon pa lang gulo na ang dulot nito paano pa sa hinaharap?

Jamaica R. Rey
Compostela Valley



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments