LETTER TO THE EDITOR 05/25/2017

0
86


Dear Sir:

Nakakapanlumo ang mga kaganapan sa Marawi City kung saan nilusob ito ng Maute Group. Sa mga ulat, pinasok ng Maute ang isang ospital, pinalaya ang mga preso at sinira ang isang bangko maging ang mga mosque.

Noong una ay pinabulaanan ito ni Mayor Majul Usman Gandamra. Ngunit kalaunan ay nagrereklamo na ito na wala umanong militar ang sumaklolo sa kanila sa kasagsagan ng insidente. Para naman kay Marawi Mayor Gandamra, sana sa susunod na hingian ka ng pahayag siguraduhin mo na totoo ang sinasabi mo para ng sa gano’n ay agarang masolusyunan ang inyong suliranin. ‘Wag kang kumampi sa mga teroristang grupo, ngayon mo makikita ang epek­to ng pagsuporta mo sa kanila, lantarang winasak ang inyong bayan.

‘Wag mo itago ang tunay na kalagayan ng Marawi. Ikaw dapat ang unang tatalikod at magtataboy sa mga rebeldeng grupo tulad ng Maute para sa kapakanan at seguridad ng iyong pamayanan.

NIKKI PABULAYAN
Fort Bonifacio, Taguig

***

Dear Sir:

Umapela si Marawi City Mayor Majul Gandamra ng tulong mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP). Pahayag niya, kailangan nila ang suporta ng AFP at PNP dahil hindi nila kaya ito ng sila lang. Ngunit matatandaang noong huling panayam sa kanya, itinanggi niyang nakubkob ng Maute Group ang Amai Pakpak Medical Center at ‘di rin umano totoo ang balitang pinatakas ng teroristang grupo ang mga preso.

Palaisipan kung ano nga ba talaga ang role nitong si Mayor at bakit niya itinanggi ang tunay na sitwasyon ng Marawi? Kapuna-puna ang biglang paghingi nito ng tulong sa gobyerno kung kailan naglipana sa social media ang mga litrato ng mga sinunog na mga gusali, ospital at kalsada na may mga bandila ng ISIS. Tila suporter ngayon ang da­ting ni Mayor. Sabay batikos sa kasundaluhan na wala umanong sundalo ang agarang tumugon sa kanilang pangangaila­ngan.

ANDREW R. ARANAS
Tanay Rizal

***

Dear Sir:

Idineklara na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa buong Mindanao bunsod ng pag-atake ng Maute Terror Group. Ang pagdedeklara ni Pangulong Duterte ay makakatutulong para sa sandatahang lakas ng Pilipinas ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Makokontrol na ng militar ang kilos ng mga terorista. Ani Lorenzana, suspendido na rin maging ang writ of habeas corpus.

Ang desisyong ito ng Pangulo ay para rin sa mga mamamayang apek­tado ng kaguluhan at karahasan partikular sa Marawi. Inanunsyo ang pagdeklara ng Martial Law dahil na rin sa tindi ng kagimbal-gimbal na pag salakay ng Maute. Nawa’y suportahan ng ating mamamayan ang hakbang ng ating Pangulo para sa ikabubuti ng ating mga kapatid na naiipit at napapahamak sa nagaganap na insidente.

MARK R. TALLEDO
Cebu

***

Dear Sir:

Patuloy ang sagupaan sa pagitan ng kapulisan at kasundaluhan laban sa Maute Group. Pahayag ni Philippine Army spokesman Lt. Col. Ray Tiongson, nasa ilalim pa rin ng Maute ang ilang gusali sa Marawi. Duda ng ilang opisyal ng AFP na may posibilidad na mayroong taga-suporta ang teroristang grupo dahilan upang mapasok nila ang lugar.

Wala silang pakia­lam kung mawasak ang Lungsod ng Marawi dahil hindi naman sila mamamayan nito. Hindi rin totoong miyembro o lehitimo silang kasapi ng ISIS.

Ginagawa lamang nila ito upang makarating sa International Organization ng mga rebelde upang makakalap sila ng pondo. Ang pagtutulungan at pagiging alerto ng mamamayan ang susi upang maiwasan ang ganitong pangyayari, bagay na nagawa naman ng mga Boholanos ng pasukin ng ASG. NPA, Maute o Abu Sayyaf man ‘yan, hindi sila dapat tulungan, kupkupin bagkus ay dapat silang itaboy. Sa ating mga kababayan, ang pangyayaring ito sa Marawi ay nagpapakita lamang ng resulta kung ano ang maaaring mangyari kung magkakanlong tayo ng mga terorista.

JERSAN ARGUILLES
Mindoro



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments