Leo Austria three-peat sa Coach of the Year

0
23


Sa pangatlong sunod na seasons, muling iuuwi ni San Miguel Beer mentor Leo Austria ang Coach of the Year award sa 24th PBA Press Corps Awards Night bukas, Nov. 30, sa Gloria Maris Restaurant sa Gateway Mall ng Ara­neta Center.

Tatanggapin ni Austria ang wooden-crafted Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy, ipinangalan sa namayapang great ‘Maestro’ ng coaching.

Si Austria, 59, ang kauna-unahang coach na sumikwat ng parangal sa tatlong sunod na seasons simula nang hawakan ng grupo ng sportswriters mula sa iba’t ibang daily­ broadsheets, tabloids at sports websites ang pagbibigay ng award noong 1993.

Naungusan ni Austria sina veteran Ginebra counterpart Tim Cone, TnT KaTropa coach Nash Racela at Chito Victolero­ ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok sa individual award na ibibigay sa formal na pagtitipon na hatid ng Cignal TV.

Ginabayan ni Austria, naglaro ng siyam na seasons sa PBA mula 1985, ang Beermen sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup titles bago kinapos lang ng konti para makuha ang grand slam sa katatapos na 42nd PBA season.

Nagtala ang Sariaya, Quezon native ng tig-isang kampeonato sa tatlong seasons mula ng maging coach ng SMB noong 2014.

May limang Coach of the Year awards na si Austria, tigatlo sina Chot Reyes at Perry Ronquillo.

Kauna-unahan si Ronquillo na naging back-to-back winner noong 1998 at 1999, sunod si Reyes, (2002-2003).

Ang ibang awardees ay sina Terrence Romeo (Mighty Sports Scoring Champion), LA Tenorio (Order of Merit), Roger Pogoy, Jalalon, Matthew Wright, Kevin Ferrer at Reden Celda (All-Rookie team) at Cone, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Beau Belga at Tenorio (All-Interview team). 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments