LARAWAN NG MGA BAYANI, HINDI ANG AKIN – DIGONG

0
105


ILANG linggo bago dumating ang National Heroes Day na ating ginunita ilang araw na ang nakararaan, ipinag-utos mismo ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na tanggalin ang kanyang larawan sa mga opisina ng gobyerno.

Sabi niya, kung gusto ng mga nasa opisina ang maglagay ng mga larawan, dapat ‘yung sa mga bayani at hindi siya.

Sino-sino kaya ang mga tumupad sa mga ito, lalo na sa linyang ehekutibo?

‘Yun bang === mula sa Malakanyang hanggang sa mga barangay hall!

WALANG SUMUNOD

Namasyal ang ating Uzi sa ilang barangay at munisipyo, mga Bro.

Tumingin-tingin siya sa mga conference hall o session hall at opisina ng mga mayor at kapitan.

Anak ng tokwa, walang sumunod sa kautusan. Naroroon ang litrato ni Pang. Digong at walang bayani.

Ang hindi nawawala ay ang Philippine Flag, tulad ng dati.

Paglabas naman natin sa mga munisipyo at barangay hall, iba ang nasaksihan ng ating Uzi.

Ang mga sasakyan, may mga Duterte Fist. Pero walang larawan si Pang. Digong.

Kung may mga rebulto man, ‘yung mga lokal na hero nila.

‘Yung kinikilala nilang nagpundar ng kanilang mga munisipyo. Sa Bulacan lang nakikita ang sangkatutak na bayani.

Nagkalat ang mga larawan nina Marcelo del Pilar o Plaridel at Blas Ople.

2 TANONG, 2 SAGOT

Tanong ng ating Uzi, bakit naririyan pa ang litrato ni Pang. Digong? Nasa bungad pa ng mga barangay hall at municipal hall ang ilan.

Nalaman po ba ninyo ang kautusan ng Pangulo ng tanggalin ang kanyang larawan at palitan ng sa mga bayani?

Ang sagot: “Sa ito ang gusto ni mayor, ni kapitan.

“Eh ito ang gusto namin.”

Nag-no further questions, your honor, na lang ang ating Uzi.

TRABAHANTE LAMANG

Itinuturing ng Pangulo ang kanyang sarili na trabahante lamang ng taumbayan.

Klaro niyang sinasabi na ang taumbayan ang nagpapasahod sa kanya kaya walang gagawin ang isang nasa gobyerno kung paglingkuran ang mamamayan.

Ganito rin ang habilin niya sa sinomang appointee niya sa gobyerno.

Ngunit may dagdag: Zero corruption.

Anomang alingasngas ng korapsyon sa isang nasa gobyerno, magbantay-bantay na siya.

Alam na ng trabahante ang kasunod nito.

Hindi rin kailangan ang papuri ng iba at siya mismo ay nagsasabing allergic siya sa mga parangal at papuri.

Pero para sa kanya, sinomang nagpapakita ng kabayanihan, ‘yun ang dapat na sabitan ng medalya at buong tulong sa kagipitan nito.

At ito ang ginagawa sa mga pulis, militar at sibilyan na tumutulong sa giyera laban sa droga, terorismo, kahirapan at iba pa.

BAGONG BAYANI

Simple lang ang naging pahayag ng Pangulo sa Araw ng mga Bayani.

Magandang sundin at gawin ang pinaggagagawa ng mga ito sa kasaysayan.

At kabilang sa mga binigyan niya ng pagkilala bilang bayani si dating Senador Benigno Aquino III na lumaban sa mapanikil na pamahalaan at isa sa mga pinagmulan ng lakas ng loob ng sambayanang Filipino para mag-aklas para sa kalayaan.

MGA BAYANI SA NGAYON

Bagama’t hindi matatawaran ang mga naiambag ng mga bayani sa nakaraang kasaysayan ng mahal kong Pinas, magandang isipin na kasalukuyang marami ang bayani.

Isa sa mga pangyayaring nilitawan ng mga bayani ang giyera laban sa terorismo.

Masasabi bang bayani ang mga minasaker na Special Action Force na nakakuha kay teroristang Marwan sa Maguindanao?

Kahit pinera ang buhay ng mga ito ng higit na naging interesado sa $5-million reward kay Marwan, dead or alive?

Paano ang maraming nagbuwis ng buhay sa Marawi City? Matatawag din ba silang mga bayani sa ngayon?

Ang mga nagbuwis ng buhay sa giyera sa droga o patuloy na nakikipaggiyera rito, paano sila?

MGA OFW

Paano naman ang mga Overseas Filipino Worker na taon-taong nagpapadala ng nasa kalahati o katlo ng taunang pambansang badyet ng Pilipinas na nagiging salbabida ng gobyerno sa oras ng krisis sa pananalapi, bayani rin ba sila?

Naglalaro ang bilang ng mga ito sa 13-15 milyong nagbubuwis ng buhay at nagpapaalipin sa ibang bansa para lang makaahon ang milyon-milyong pamilyang Pinoy sa gutom at kahirapan.

Ang totoo, maraming buhay na bayani at bayaning namamatay sa ating harapan ngayon at hindi lamang naroroon sa matagal nang nakaraan.

Ihagod lang ang mga mata natin sa paligid at puno tayo ng mga bayani at kung buhay ang mga ito, sila ang nakatutuwang natin para sa pagbabago sa mga araw na ito.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments