Lady Maroons pinulbos ang Engineers

0
62


Laro bukas:
8:00 a.m. — St. Benilde vs. Ateneo (men’s)
10:00 a.m. — FEU vs. UST (men’s)
4:00 p.m. — San Beda vs. St. Benilde (wo­men’s)
6:30 p.m. — Lyceum vs. Jose Rizal U (wo­men’s)

Pinanood lang nina Jessma Ramos, Isa Molde at Diana Mae Carlos ng UP Lady Maroons si Olivia Guling ng TIP na tinangkang isalba ang bola sa aksiyon kahapon sa PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City. (Patrick Adalin)

Matapos ang dikitang first set, tuluyang tinalupan ng University of the Philippines ang Technological Institute of the Philippines tungo sa 25-20, 25-9, 25-13 win sa Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan kahapon.

Iniinda pa ang five-set defeat sa kamay ng Adamson noong nakaraang linggo, nahirapan ang Lady Maroons sa kaagahan ng first set, pero nagpakatatag para kalusin ang Engineers at tablahan ang San Beda Red Spikers sa 1-1 para sa third spot sa Group B ng two-division tournament na inorganisa ng Sports Vision.

Nangunguna ang Adamson na may 2-0, habang ang Arellano U ay bumubuntot (2-1) sa single round elims na ang top two ay aabante sa cross­over semis.

Nagsanib-puwersa sina skipper Diana Carlos, Isa Molde at Clarice Ramos na nagpakawala ng 35 spikes, kumpara sa 18 ng kalaban.

Dinomina rin ng Diliman-based squad ang depensa sa net sa paghugot ng eight blocks at sinamantala ang mahinang service reception ng Lady Engineers sa pamamagitan ng 10 aces.

“We wanted to win coming off that loss to Adamson,” lahad ni Carlos, na top-scorer — 14 hits, kasama ang 11 kills.

Si Molde ay nagsu­mite ng 12 hits, habang sina Marian Buitre, Ra­mos, Justine Dorog at Roselyn Rosier ay may combined 25 markers.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments