Kylie Verzosa, ready to relinquish her crown | Tempo

0
35


Hindi napigilan na maging emotional ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa kanyang Instagram post kamakailan dahil ilang weeks na lang ay ipapasa na niya ang kanyang korona sa bagong hihirangin na Miss International 2017.

Mabilis dumaan ang isang taon at nag-share si Kylie ng kanyang mga naging achievements simula pa noong makoronahan siya bilang ika-anim na Miss International mula sa Pilipinas.

“The past few days of preparation leaving for Miss International was like hell. My year as Miss International is coming to an end, and I am truly happy with my reign. It was a hustle all thoughout! The crown brought me so much opportunity, and many of my dreams have become a reality in the past year. I want to thank so many people: my mentors, my friends, my Angels, but i’ll save it before this becomes a long cheesy post. 😅 Also because, 25 days pa ako dito, nearly a month, so i’ll have plenty of time to thank those who contributed to my reign. Stay tuned as I take you through the last few days of my journey as Miss International. -Kylie 💕” caption pa ni Kylie.

Bukod sa endorsements na nakuha ni Kylie bilang Miss International, nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makatulong sa maraming tao na dumaraan sa iba’t ibang klaseng mental health issues.

Iyon kasi ang advocacy ni Kylie dahil noong kabataan niya ay dumanas din siya ng depression.

Kaya nais niyang makatulong sa mga taong nawawalan na ng pag-asa at sigla sa buhay.

Hindi pa alam ni Kylie ang next career niya after she relinquishes her crown. Pag-isipan pa raw niya ang offers sa kanya na pasukin ang showbiz.

Sa November 14 magaganap ang Miss International 2017 sa Tokyo, Japan. Ang ating Philippine representative sa naturang pageant ay si Mariel de Leon. (Ruel J. Mendoza)

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/10/30/kylie-verzosa-ready-to-relinquish-her-crown/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments