Kumusta na si Kisses matapos mabuwag ang ‘KissMarc’?

0
39



Masaya siya. 

Ganito inilarawan ng teen actress na si Kisses Delavin ang kanyang nararamdaman matapos na mabuwag ang kanilang tambalan ni Marco Gallo.

“I’m no longer in a pair pero I feel happy, I have peace of mind and I feel safe,” ani Kisses sa panayam ng ABS-CBN News.

Kuwento ni Kisses, mutual decision o napagkasunduan nila ni Marco ang hiwalayan.

Dagdag pa niya, isa sa mga dahilan ang kontrobersiyal na sagutan nila ni Marco sa “Kapamilya Chat,” kung saan nag-walk out si Marco.

Nalulungkot umano si Kisses para sa mga tagasuporta nila ni Marco.

“I just feel sad for the fans … Naaawa ako sa kanila kasi alam ko ‘yong feeling na na-disappoint sa gano’n. Pero I wish and I know na someday, they will understand,” ani Kisses.

Tumangging magpaunlak ng panayam si Marco pero nanawagan ito sa kanilang fans na sana’y patuloy ang suporta sa indibidwal nilang karera ni Kisses.

Umaasa rin ang aktor na maaayos muli ang kanilang pagkakaibigan.

Regalo naman ni Kisses sa mga fans ang isang bagong album, matapos niyang pumirma ng kontrata sa Star Music.

Umabot na sa 1 million views sa YouTube ang kanta niyang “‘Di Ko Lang Masabi.”

Sa Nobyembre 6 nakatakda ang album launch ni Kisses.

Nabuo ang tambalan nila ni Marco sa programang “Pinoy Big Brother: Lucky 7.”

Magkasama pang dumalo sina Kisses at Marco sa Star Magic Ball kamakailan, at itinanghal bilang Best Dressed o ang pares na may pinakamagandang kasuotan sa nasabing gabi.

— Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments