Kristel Fulgar, pinuri si Kathryn Bernardo bilang kaibigan

0
26


BATA pa lang ay magkaibigan na sina Kristel Fulgar at Kathryn Bernardo. Ayon kay Kristel, wala pa raw sila sa Goin’ Bulilit ay ka-close na niya si Kath. “Simula bata pa po kami, wala pa pong Goin’ Bulilit, close na po kami. Tapos ayun po, nagtuloy-tuloy na rin po hanggang ngayon iyong friendship namin,” ani Kristel.

Kahit daw naging big star na si Kathryn ay hindi nagbago ang kanilang pagkakaibigan. “Hindi po, wala pong nagbago. Ganoon pa rin po iyong pagkakaibigan namin,” wika ng Kapamilya aktres.

Paano mo ide-describe bilang kaibigan si Kath, mula noon hanggang ngayon?

“Kasi po si Kath, wala pong nagbago sa kanya, e, ganoon pa rin po siya. Jolly… masarap kausap, mababaw ang kaligayahan, madaling i-please. Ayun po at saka marami kaming napagkakasunduan kagaya ng pagkain,” nakangiting saad ni Kristel.

So, magka-vibes kayo ni Kath pati sa pagkain? “Opo, magka-vibes kami ni Kath, pati sa pagkain,” nakatawang saad ni Kristel.

Sinabi rin ni Kristel na malaking bagay sa kanya ang maging bahagi ng teleseryeng La Luna Sangre dahil tampok dito sina Daniel Padilla at Kathryn, na sobrang dami talaga ng fans.

“Opo happy ako, actually, lahat naman po kami… kapag naging part ng show na ‘yun, I mean lahat ng artista na naging part ng cast ng La Luna Sangre, masaya po.

“Kasi nga, kapag nakasama ka po sa KathNiel project, parang napakalaking opportunity na po talaga ‘yun dahil malaking exposure po talaga iyon, kaya thankful po talaga kami,” saad ng singer/actress na karamihan sa cover songs na ginagawa ay nagiging viral sa social media.

LA SANTOS AT NATSUMI SAITO,
NAGING BAHAGI NG CHRISTMAS
STATION ID NG ABS-CBN

NAKATUTUWANG malaman na sina LA Santos at Natsumi Saito ay bahagi ng Christmas Station ID ng ABS-CBN na pinamagatang Just Love. Kahit mga newscomers pa lang sina LA at Natsumi, magsisilbing inpirasyon sa kanilang ang nasabing oportunidad.

Tula namin ang manager ni Natsumi na si Joel Mendoza na proud sa dalawang talented na young recording artists. Base nga sa post ni Joel:
“The ABS-CBN Station ID featuring all of the Brightest Stars of Kapamilya Network. I’m so proud of you my dear Natsumi Saito and LA Santos , for being a part of this memorable video as Star Music Artists! #JUSTLOVE ❤️ ❤️ ❤️

Mga bigatin kasing Kapamilya artists ang kasali sa naturang Christmas Station ID. Kabilang dito sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Erik Santos, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Ogie Alcasid, Billy Crawford, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Darren Espanto, Morissette Amon, Klarisse, Jona, Kyla, Daryl Ong, Jason, KZ Tandingan, Iñigo Pascual, Zia Quizon, Moira dela Torre, at marami pang iba pa.

Si Natsumi ay produkto ng The Voice Kids Season 1 at tulad ni LA ay kapwa sila recording artist ng Star Music. Ipino-rpmote niya ngayon ang single niyang Para Lang Sa ‘Yo mula sa kanyang self-titled debut album.

Si LA naman ay patuloy sa paghataw ang showbiz career. Labas na rin ang kanyang self-titled album at nakaaaliw ang music video ni LA para sa kantang Tinamaan kasama ang former PBB na si Karen Reyes.

Makakasama ni LA sa KFest Philippines ang mga grupong U-Kiss, Halo, Laboum, at Walwari na magaganap sa November 24, 2017 sa Araneta Coliseum.

Incidentally, abangan din si Natsumi sa Mall Tours nina Jamie Rivera on Nov. 19 sa Robinson’s Magnolia at Matteo Guidicelli on Dec. 2 at Southwoods Mall.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments