Kris hindi kasama sa publicity ng ‘Crazy Rich Asians’

0
42


Siyam na buwan pa ang ipaghihintay ng mga gustong malaman ang haba ng exposure ni Kris Aquino sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians dahil sa August 17, 2018 pa ang playdate ng pelikula.

Inilabas noong November 1 ng Warner Bros., ang producer ng Crazy Rich Asians, ang official statement tungkol sa playdate ng pelikula na pinagbibidahan nina Constance Wu, Michelle Yeoh, Henry Golding, Ken Jong, Harry Shum Jr., Awkwafina, Jimmy O. Yang at Gemma Chan.

Hindi kasama ang pangalan ni Kris sa mga publicity ng movie adaptation ng hit novel ni Kevin Kwan dahil special participation ang kategorya ng eksena niya sa Crazy Rich Asians.

Jolina, Karla, Melai bigo sa  kuwentong dyowa ni Louise

Si Louise delos Reyes ang guest kahapon sa live telecast ng Magandang Buhay ng ABS-CBN. Kahit pinipilit nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, hindi nila napagkuwento si Louise tungkol sa lovelife nito.

Idinaan ni Louise sa pagluluto at pagtawa ang mga tanong tungkol sa current boyfriend niya na pinangalanan ng tatlong television hosts pero hindi siya napilit na ibahagi sa televiewers ang mga nangyayari sa kanyang lovelife.

Pinaninindigan ni Louise ang pangako sa sarili na poprotekta­han ang privacy para makaiwas siya sa mga intriga at kontrobersiya.

Apparently, malaking aral kay Louise ang mga karanasan sa kanyang nakaraan na relasyon dahil naging bukas sa publiko ang mga nangyayari noon sa lovelife niya.

Jake Cuenca ayaw nang rumampa na halos hubad

Ibang brand ng underwear ang ini-endorse ni Jake Cuenca kaya hindi na siya kasali sa Under the Stars, ang 30th anniversary show ng Bench sa Mall of Asia Arena sa November 18, 2017.

Sinabi ng isang malapit kay Jake na kuntento na ito sa mga sexy pictorial pero ayaw na ng aktor na rumampa sa runway na underwear lamang ang suot.

Isa si Jake sa mga pinakamapangahas na celebrity endorser  noon ng Bench Body at dahil lumipat na siya sa ibang underwear company, inaabangan ang papalit sa trono na iniwanan niya.

Daniel Matsunaga tatlo na ang restoran

Daniel Matsunaga

Tatlong pelikula ni Daniel Matsunaga ang ginawa niya nga­yong 2017, ang Spirit of the Glass 2: The Haunted, Fallback, at Meant To Beh.

Isa si Daniel sa mga bida sa Spirit of the Glass 2: The Haunted ng Octoarts Films na nagbukas sa mga sinehan noong November 1.

Ang Fallback ang second movie ni Daniel na may playdate sa November 15. Si Jason Paul Laxamana ang direktor at co-stars ni Daniel sina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos sa romantic comedy movie. Ang Cineko Productions ang producer ng Fallback pero ang Star Cinema ang magre-release sa mga sinehan.

Lastly, mapapanood si Daniel sa Meant to Beh, ang official entry ni Vic Sotto sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Kahit sunod-sunod ang kanyang mga movie project, may oras si Daniel para sa tatlong restaurant business niya.

“I make time. Sa’yo ‘yan eh so I always make time. ’Yung mga problema, I have different partners sa lahat, so normally, sa kanila ang problema sa papers. They always help me with everything.

“At least, may back up ako sa partners pero kapag may mga problema, sa meetings, pumupunta ako,” ang sabi ni Daniel.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments