Kraken nagising vs Chinese Taipei

0
20


Pagkatapos ng hindi kagandahang laro sa unang sigwada ng 2019 FIBA World Cup Asia qualifying­ sa Tokyo, nagising ang halimaw kay June Mar Fajardo nang i-host ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei.

Kumayod hindi lang sa opensa kundi pati sa depensa si June Mar Fajardo upang mahakbangan ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei 90-83 sa first window ng FIBA qualifying Lunes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. (Joaqui Flores)

Lunes ng gabi sa harap ng mga kababayan sa Smart Araneta Co­liseum, inilabas ng binansagang ‘The Kraken’ ang porma na nagbigay sa kanya­ ng apat na MVP titles sa PBA.

Umiskor si 6-foot-11 Fajardo ng 17 points at nagbaba ng eight rebounds para tulungan ang Gilas sa pagsalag sa hamon ng Chinese Taipei 90-83.

Sa 77-71 win ng Nationals kontra Japan noong Nov. 24, 3 for 8 lang sa field tungo sa six points si Fajardo at humablot ng three rebounds.

Sa first window ng FIBA qualifying, 2-0 na ang Pilipinas.

Laban sa Chinese Taipei, 7 for 12 sa field si Fajardo at may tigalawang assists at blocks.

Malamya ang simula ng Gilas, naiwan pa 17-3 pero nang pumasok si Fajardo off the bench ay nakabawi ang Filipinos. May nine points agad si Fajardo sa first half.

Siya rin ang nambulabog kay Chinese Taipei naturalized player Quincy Davis na napituhan ng fifth personal foul sa dulo ng laro bagama’t tumapos pa rin ng team-high 20 points at eight rebounds.

Muli ay si Jayson Castro ang bumalikat sa opensa ng Gilas sa kinamadang 20 points, four rebounds at four assists. May 14 boards at five blocks si Andray Blatche, bagama’t nagkasya lang sa six points.

Hindi ipinasok ni coach Chot Reyes sina Kevin Alas, Troy Rosario at Allein Maliksi, pero lahat ng tinapik niya ay pumasok sa scoreboard at may kanya-kanyang papel na ginampanan.

“We’re happy we were able to grind out the win despite us being nowhere 100 percent,” ani Ryes. “Our second unit gave us a big lift.”



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments