KNOCKOUT, KILLER INSTINCT –

0
51


(Wendell Alinea)

Malaki ang panini­wala ni Freddie Roach na ang kawalan ng knockout win at killer instinct ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang dahilan ng pagbaba ng po­pularidad nito.

Ayon kay Roach hinahanap ng mga fans ang knockout punch ni Pacquiao, na huli niyang nagawa noon pang 2009 nang talunin sa 12th round si Miguel Cotto.

Kaya sa laban ng 38-anyos na mambabatas kung saan itataya nito ang WBO welterweight crown kay Australian Jeff Horn, kinakailangang huwag magpatumpik-tumpik ang Pambansang Kamao na patulugin ang tinaguriang ‘Brisbane Hornet’.

Magsasagupa sina Pacquiao at Horn sa Hul­yo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia at ipi-feed ng ESPN sa Estados Unidos.

“I would love to see him get his killer instinct back and go for the knockout. I know we haven’t done that in a long time and the bible has a lot to do with that, and it’s very tough to argue with the bible,” pahayag ni Roach sa panayam ng On The Ropes Boxing Radio. 

“The thing is, people like knockouts in boxing and Manny has lost a lot of his crowd because he hasn’t knocked anyone out in such a long time. I think he needs to get back to that, and I would love to see him do that, and this [bout with Horn] is the perfect fight to do it in,” dagdag pa ni Roach.

Ayon naman ilang observers, bumaba ang kasikatan ni Pacquiao matapos nitong ma-knockout kay Juan Manuel Marquez noong 2012 at nang magbalik ay hindi mga sikat ang nakalaban gaya nina Brandon Rios, Chris Algieri, Timothy Bradley at Jessie Vargas.

“The thing is, people get knocked out and they get hurt, this is the game we chose from the beginning. I wish he would just go back to his old self, because he was a really hot product when he was knocking people out. I know he can do it again if I press the right button and get him to fire up,” esplika ni Roach.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments