Kisses, may hiling sa mga kumukumpara sa kanya kay Pia Wurtzbach

0
53



Ikinagulat ni Kisses Delavin ang pagkukumpara sa kanya ng publiko kay dating Miss Universe Pia Wurtzbach nang isuot niya sa isang awards show sa Eddy’s Entertainment Editors Awards ang parehong blue gown na isinuot ng beauty queen.

Gawa ng designer na si Francis Libiran ang nasabing gown. 

Sinadya umano ito ni Delavin dahil iniidolo niya si Wurtzbach.

Kuwento ng dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate, “Mommy ko, sabi niya isukat ko. When I wore it, grabe ang ganda! Nung nalaman namin ni Mommy na kay Pia pala, then I wore it sabi ko ito talaga gusto ko suotin! I knew it was Pia’s gown, I wanna wear this, it would be such an honor for me. Si mommy kasi nagsabi na bagay sa akin eh.”

Hindi rin umano siya apektado sa mga negatibong komento sa kanya ng netizens sa social media nang magdesisyon siyang isuot ang eksaktong gown ni Wurtzbach.

“Actually, nagulat ako na kino-compare kami kasi I really look up to ate Pia. She’s amazing. Hindi ako na-affect actually natawa ako dahil Miss Universe siya. I’m a PBB teen housemate. But Pia is Pia and Kisses is Kisses too, let’s not compare and let’s just spread love for each other.”

Pero hiling ni Delavin, itigil na ang mga ‘nega’ at bullying sa social media. Gamitin umano ito sa tama para mag-’empower’ ng mga kababaihan at maging inspirasyon sa mga kabataan.

Sa kabila ng mga natatanggap na komento ng dating PBB housemate, tuloy tuloy naman ang pagdating ng mga biyaya sa kanya simula nang lumabas siya sa ‘Bahay ni Kuya’.

Nagsimula na ring gumulong ang kamera para sa pelikula nila ng ka-love team na si Marco Gallo, kasama ang kasabayan nila sa PBB na sina Maymay Entrata at Edward Barber o ‘MayWard’.

“Four months pa lang since lumabas ako sa Bahay ni Kuya, parang ipo-ipo ‘yung mga nangyayari, alam mo na hindi lang glamour ‘yung ginagawa mo, alam mo because you’re doing this dahil maraming tao nagloo-look up sayo at marami kang napapasaya, that’s the most important thing… everyday hindi kami napapagod kasi enjoy lang kami,” aniya.

Bibida rin ang ‘KissMarc’ sa “Wansapanataym” kasama si Awra Briguela.

Inamin ni Delavin na madalas siyang napapagalitan ng direktor at marami pa siyang kailangang matutuhan sa acting. Nais niyang maging magaling na aktres lalo pa at marami ang humahanga sa kanya.

–Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments