Kim suko na sa bugbugan kay Marian

0
28


Dahil sa intense ng training at fight scenes na ginagawa ni Kim Domingo para sa Super Ma’am, minsan ay hindi niya maiwasang panghinaan ng loob. Gusto na nga raw niyang sumuko at mamatay na lang sa Super Ma’am.

Pero mabuti na lang at to the rescue si Maria­n Rivera sa kanya­ at pinalalakas ang kanyang confidence. Sabi nga ni Kim, si Marian mismo ang nagchi-cheer sa kanya tuwing nahihirapan sa mga fight scenes.

“Si Ate Yan ang nakaalalay sa’kin lagi. Sinasabi niya, ‘Ganyan tala­ga kapag sa umpis­a pero ‘pag matagal na, makakasanayan mo na ‘yan.’ Nakakalakas ng loob kasi syempre, linya niya ‘to, so nakakatuwa na siya ang guide ko,” kuwento ni Kim.

Denise Barbacena ipinalit  ni Ivan kay Barbie Forteza

Matapos itampok ang nakakaantig na kuwento ng magkakapatid last week sa Magpakailanman, kuwento naman ng isang Pinay na na-in love sa kanyang boss na foreigne­r ang ikukuwent­o ngayong Sabado (Nov. 11). Bida rito si Denise Barbacena bilang Gloria at Ivan Dorschner bilang Bud sa episode na ito ng Magpakailanman at ikukuwento kung paano nabuo ang pagtitinginan ng isang kasambahay at amo nitong Amerikano!

Throwback ang tema dahil dekada 70’s pa ang setting kaya kaabang-abang ang pagpapakilig nilang dala­wa. Mukhang sasakupin ng Magpakailanman ang iba’t ibang tema sa buong buwan ng Nobyembre kaya abangan kung anong mga kwento pa ang itatampok nito sa mga susunod na episodes!

At teka lang, dahil wala na ang Ivan-Barbie Forteza love team, ang Ivan-Denise na kaya ang tandem na pasisikatin ng GMA? Well…

Ai Ai feeling millennial with Ex-Battalion

Gustong ma-reach ni Ai Ai delas Alas ang millennial audience kaya­ sa paggawa niya ng bagong single, kasama­ niya ang Ex-Battalio­n na nagpa-bagets ng kanta niya na very upbeat at may rap pa.

Pumirma siya sa GMA Records ng kontrata kamakailan kaya excited siyang maglabas pa ng iba. Kuwento pa niya, pangarap pa rin niyang magkaroon ng viral na kanta kaya patuloy siya sa paggawa ng mga ito.

“‘Yan ang dream ko eh, magkaroon ako ng isang blockbuster hit na single or kanta. Sabi nga nila, try and try until you succeed so malay mo, kahit mag-gold man lang ‘yung single ko, okay na ako,” hones­t wish pa ni Ai Ai.

Abangan ang release ng kanta ni Ai Ai dahil si­guradong gugulatin niya kayo with her millennia­l sound.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments