KIM SOO-HYUN, PINAINGAY ANG JENNYLYN-GIL SERYE!

0
81


kim-soo-hyun
KIM SOO-HYUN

Nagtagumpay ang planong pagpunta ng Okada Hotel ang ta­lent manager na si ‘Nay Lolit Solis para abangan ang Korean actor, si Kim Soo-hyun, ang bida sa orihinal na My Love from the Star.

Nabalitaan kasi ni Nay Lolit na sa Okada pala naka-check-in ang Kdrama actor. At kahapon din ang event nito sa Samsung, ang dahilan kung bakit nasa Pilipinas ito at hindi para i-promote ang Pinoy adaptation na My Love from the Star na magsisimula ng mapanood sa Lunes, May 29 ng gabi.

Pero aminin, mas nakapag-ingay ang MLFTS dahil sa timing ng pagdating ng Korean actor kahit hindi GMA7 ang nag-uwi sa bansa.

Ang alam namin, naghanap talaga siya ng mga taong puwedeng makapag­lapit sa kanya kay Kim Soo-hyun tulad ni Gretchen Barretto na may konek daw sa Okada Hotel.

Mabuti at hindi nito tinawagan si Heart Evangelista para dalhin siya sa Balesin Island kunsaan, balita nito ay nagpunta raw ang Kdrama actor noong Huwebes.

Anyway, kung kay Kim Soo-hyun ay todo-effort na si Nay Lolit, hindi na namin lalong ma-imagine kung si Song Joong Ki ng Descendants of the Sun pa ang darating sa bansa.

Si Song ang pinakapaboritong Kdrama actor ng talent manager at goal nitong makita at makapagpa-picture talaga.

Naku, ‘di dapat isnabin ng mga Kdrama actors ang talent manager na nang huling pumunta sa Jeju Island ay napakarami pa rin nakakakilala at nagpapa-picture.

Until now, associated pa rin ito sa Startalk at may nagpapabati pa nga dahil hindi nila alam na matagal na itong wala sa ere.

Nagsisi lang si Nay Lolit na kung alam lang daw niya, sana raw pala, chinika na niya ng bongga ng mga taga-Samsung na binigyan siya ng pa-welcome at bonggang flowers paglagpag niya sa Jeju Airport.

The post KIM SOO-HYUN, PINAINGAY ANG JENNYLYN-GIL SERYE! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments