Kim at dyowang si Michael feeling ‘honeymooners’ sa Hong Kong

0
18


Pagkatapos ng mainit at sexy na rampa sa Bench fashion show, dinala naman ni Kim Domingo ang beauty nito sa lively streets ng Hong Kong. Nagbabakasyon ang Super Ma’am star at halatang enjoy siyang mamasyal lalo pa at malamig ang panahon doon ngayon.

🐼

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on

Maraming nagtatanong sa Instagram ni Kim kung saan daw ang susunod niyang pupuntahan para naman makilala at makita nila ito. O ‘di ba, international talaga ang fan base ng Kapuso actress!

Pero teka lang, bitbit nga ba ni Kim ang dyowa niyang si Michael Acuna sa HK at Macau? Makikita kasi sa Instagram account ni Michael ang photos na nasa HK din siya, at may isang photo na nakaluhod siya, na may katabing girl, na siyempre kahit nakatalikod, si Kim talaga ‘yon.

Forever with 3 hearts ang caption sa photo na ‘yon. Well feeling honeymooners ha…

BiGuel ‘Kambal’ trending agad

Miguel Tanfelix at Bianca Umali

Tuwang-tuwa sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil usap-usapan at trending agad sa social media ang primetime series nilang Kambal Karibal. Exci­ting daw ang unique story­line nito.

Anyway, kahit hindi pa pinapakilala ang mga karakter nila bilang Crisanta at Diego ay marami na ang nag-aabang dahil for sure ay kilig nanaman ang hatid nila.

Samantala, nalaman na nina Teresa (Jean Garcia) at Noli (Gardo Versoza) na may Severe Combined Immunodeficiency or SCID si Criselda, dahilan ng pagkakasakit nito.

Bigo rin si Allan (Alfred Vargas) na mapatawad ni Geraldine (Carmina Villaroel) kaya baba­lik na lang siya sa dating trabaho bilang engineer sa barko. Si Raymond (Marvin Agustin) naman ay susuyuin ulit si Geraldine.

Boys Over Flowers audition dinumog ng half-half

Nitong nakaraang weekend ay nagsimula na ang audition para sa local version ng Boys Over Flowers na eere sa GMA Network this 2018. Dinagsa ito ng mga hopeful candidates at base sa mga kumalat na photos online, umabot hanggang EDSA ang pila.

Maaga palang ay mahigit 100 na ang mga nag-audition na uma­bot pa ng 1,000 kinahapunan. May mga pure Pinoy at half-foreig­ners na nagpasa ng forms.

May iba naman na bumiyahe pa mula sa iba’t ibang probinsya tulad ng Bulacan, Laguna, Surigao, at Tarlac. Maganda ang ginawa ng Kapuso Network na i-open sa public ang audition para maghanap ng fresh faces.

Mas naging exciting tuloy ang pagpapakilala sa magiging cast ng inaabangang serye. Sino nga kaya ang susunod na Gu Jun Pyo at Geum Jan Di? We can’t wait to find out!





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments