KAYA NATIN: Mga kampeon ng kalusugan sa ating bayan – Part 1

0
67


Noong nakaraang Nobyembre ay inilunsad ang ikatlong Champions for Health Governance (CHG) Awards para sa taong 2017 ng MSD, Kaya Natin! Movement for Good Governance and ­Ethical Leadership at Jesse M. Robredo­ Foundation, sa tulong ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang CHG ay isang programa na kumikilala at nagbibigay parangal sa iba’t ibang local government units (LGUs) na nagpapatupad ng mahusay at ­epektibo na programang pangkalusuguan sa kanilang komunidad. Ang mga programang ito ay may kaugnayan din sa Sustainable ­Development Goal #3 ng United Nations at may pagsuporta sa universal health care na isinusulong ng pamahalaan.

Sa taong ito ay muli na naman tayong tumanggap ng mga entries mula sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sampung LGUs ang itinanghal na ­finalists at lima mula sa 10 LGUs na ito ang nagkamit ng P100,000 na makatutulong upang maipagpatuloy nila ang kanilang mga makabago at sustainable na public health programs.

Ang isinumiteng entries ng 10 LGU finalists ay suma­ilalim sa CHG screening process, kabilang dito ang eligibi­lity screening, first level screening, site evaluation at panel presentation at interview. Ito ay pinangunahan ng mga dalub­hasa sa larangan ng pampublikong kalusugan at mabuting ­pamamahala.

Ang mga naging pamantayan sa pagpili ng mga itinanghal na “Champions for Health Governance” ay Good ­Governance: 30% (local leadership at transparency at accountability) at Public Health Governance: 70% (effectiveness of health ­programs, innovativeness of health programs, health resource management at community engagement in health).

Pagkatapos ng matinding deliberasyon, sa wakas ay naparangalan na noong ika-24 ng Mayo ang lima sa 10 local ­government finalists.

Bago pinarangalan ang limang LGUs na nanguna ay kinilala muna ang 10 LGU finalists: Davao City; Plaridel, Bulacan; Quezon City; Salcedo, Eastern Samar; San Felipe, Zambales; San Gabriel, La Union; San Mateo, Isabela; Tacurong City, Sultan Kudarat; Valenzuela City; Vigan City, Ilocos Sur.

Samantala, ang limang nagsipagwagi sa araw ng parangal ay ang Plaridel, Bulacan (first class ­municipality); Salcedo, Eastern Samar (fifth class municipality); San Felipe, Zambales (fourth class municipality); San Gab­riel, La Union (fourth class municipa­lity); at Tacurong City, Sultan Kudarat (fourth class city).

Pinatunayan lamang ng mga LGUs na ito na ­hindi hadlang ang kakulangan ng pera para makapaghatid ng serbisyong medikal at mahusay na matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng ­taumbayan. Saludo tayo sa mga local chief executives, local health officers at iba pang kawani ng pamahalaan na tumutupad sa kanilang sinumpaang tungkulin at ­nananatiling tapat sa paglilingkod sa sambayanan.

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga ahensya at organisasyon, gayundin ng mamamayan, higit pang maiaangat ang sistemang pangkalusugan sa ating bansa!

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Champions for Health Governance Awards, maaa­ring bisitahin angwww.healthgovernance.weebly.com.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments