Kathryn, Daniel sabik nang ipakita sa mga manonood ang ‘La Luna Sangre’

0
79



MANILA – Exicted na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mapanood ng kanilang mga tagahanga ang lahat ng kanilang pinaghirapan para sa “La Luna Sangre.”

Magsisimula nang ipalabas ang naturang serye Lunes ng gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang parte ng ABS-CBN Primetime Bida.

Sa panayam nila sa “Umagang Kay Ganda,” inamin ng dalawa na mahirap gawin ang kanilang mga fight scenes pero nag-e-enjoy naman sila sa mga bagong natututunan.

“Usually kapag may stunts, tinuturo sa amin sa day na iyon kung ano ‘yung choreography. Siguro naging challenge ;yung madetalye kasi siya. Mas okay na hindi mabilis pero tama ‘yung form. ‘Yun ang medyo mahirap gawin. Nae-enjoy naman namin kahit mahirap kaya okay naman,” paliwanag ni Kathryn.

Si Daniel naman, handang gawin ang mahihirap na eksena basta’t kasama ang kaparehang si Kathryn.

Nang kamustahin naman sila kung paano katrabaho ang bagong Kapamilya na si Richard Gutierrez, ito ang naging sagot ni Daniel.

“Hindi pa po namin siya nakakasama sa eksena talaga pero kapag may mga guesting po kami, napakabait po niyang tao. Nakakatawa. Masayang masaya kami na kasama namin siya sa show. Excited na din po kami makaeksena siya.”

Hindi katulad ng “Lobo” at “Imortal,” ikinuwento ni Kathryn na hindi lang puro seryoso ang mga eksena nila sa serye.

“Ang pinagkaiba this time, dahil sa timeslot and feeling namin ‘yung mga tao, hindi naman puwedeng masydong dark, binalance po siya with romantic-comedy. Nandoon pa rin ang lightness,” aniya.

Maliban kina Kathryn, Daniel at Richard, parte rin ng serye sina Ina Raymundo, Desiree Del Valle, Noel Trinidad, Randy Santiago at marami pang iba. May espesyal na partisipasyon din dito sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

Ang “La Luna Sangre” ay mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments