KARMA NI DE LIMA – Remate

0
28


MALIWANAG na karma ang nangyayari kay Sen. Leila de Lima, lalo pa kung paniniwalaan natin ang argumento ng kanyang legal counsel na si dating Solicitor General Florin Hilbay.

Noong nakaraang linggo kasi ay nanawagan si Hilbay sa agarang pagpapalaya sa kanyang kliyente at nagsumite pa sila ng mosyon sa Supreme Court para ibasura ang drug cases laban sa senadora.

Sinabi ni Hilbay na hindi makatarungan na manatiling nakakulong si De Lima dahil hindi naman aniya maliwanag kung ano ang mga tunay na kasong nakasampa laban dito.

Noon kasing Oktobre 10, ibinasura ng SC sa botong 9-6 ang mosyon ni De Lima na ibasura ang kaso niya na isinampa ng Department of Justice nitong Pebrero.

Base sa reklamo ng DoJ, ginamit ni De Lima ang kanyang pwesto noong justice secretary pa siya para makipagkutsabahan sa high profile inmates sa NBP para palaganapin ang droga sa Bilibid at ibang bahagi ng bansa.

Dahil sa pagbasura ng SC sa mosyon ni De Lima, ipagpapatuloy ni Muntinlupa RTC Branch 204 at Presiding Judge Juanita Guerrero ang paglilitis ng kaso.

Hindi na natin tatalakayin ang merito ng kaso at ang mga argumento at kontra-argumento hinggil sa pagkakakulong ni De Lima.

Sa halip gusto ko lang pagtuunan ng pansin ang katwiran ni Hilbay na hindi makatarungang manatiling nakakulong ang senadora.

Nakatatawa talaga ang nangyayari kay de Lima dahil maliwanag na karma ang nangyayari sa kanya.

Matatandaang siya pa ang hepe ng DoJ noong Nobyembre 2011 ay binalewala niya ang kautusan ng SC na payagang makaalis si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para magpagamot sa ibang bansa.

Kitang-kita ng madla dahil sa TV coverage na papasakay na lang sa eroplano si GMA na naka-wheelchair pa man din ay hinabol niya at hinarang para hindi siya makalipad.

“Kakila-kilabot at karima-rimarim ang ginagawa nila sa dating Pangulo,” sabi ni Ferdinand Topacio na abogado ni GMA ng panahong iyon.

Maliwanag na pagyurak at pagbalewala sa SC ang ginawa ni Leila kaya naman ngayon na siya ang humihingi ng hustisya kuno, naniniwala ako na hindi nakakalimutan ng mga mahistrado ang kanyang ginawa.

Kaya malamang steady pulso muna siya sa kulungan at ng maranasan din naman niya ang ginawa niya dati noon kay GMA. Sabi nga ni Kuya Kim, ang buhay ay weather, weather lang! OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments