Kapuso teen actress gets biggest break via ‘Kambal, Karibal’ | Tempo

0
27


By: Ruel J. Mendoza

BIGGEST break ng Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza ang gumanap bilang nagmumultong kambal sa GMA Primetime teleserye na “Kambal, Karibal.”

Matagal nang lumalabas si Pauline sa ilang shows ng GMA-7 tulad sa “That’s My Amboy” kunsaan gumanap siya bilang kapatid ni Barbie Forteza at gumanap din siya bilang batang Jennylyn Mercado sa “My Love From The Star.” Nagkaroon din siya ng small role sa action teleserye na “Alyas Robin Hood.”

“Natuwa po ako kasi hindi ko na po kailangan mag-audition for the role of Criselda.

“Kasi malaki raw ang hawig ko kay Bianca Umali who will play my twin sister Crisanta.

“Pinagtabi po kami at nakita nila ang maraming similarities namin, kaya binigay na sa akin ang role na Criselda.

“Ibig sabihin siguro, kasing ganda ko rin si Bianca,” tawa pa niya.

Sa unang taping day pa lang daw nila for “Kambal, Karibal,” isang mabigat na eksena raw agad ang pinagawa sa kanila nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

“’Yung first taping daw namin nila Bianca at Miguel, mabigat na agad. Kinunan po kami sa isang bangin na hinahatak ko si Bianca.

“Kami po ang gumawa ng stunt na iyon. Walang pong dobol.

“Safe naman po kami kasi may mga harness kami. Tsaka mababa lang ‘yung bangin. May mga nakaabang naman na mga tao sa baba kung sakaling may mangyaring di maganda.

“Pero naging okey naman po ang first day shoot naming lahat,” ngiti pa ni Pauline.

Nagsimula bilang commercial model si Pauline bago ito pumasok sa showbiz.

Next year ay graduating na sa Pauline sa Grade 12 at ready na siyang mag-college.

“I would like to take up an architectural course. Family namin po kasi ay puro architects.

“Kakayanin ko po na ipagsabay ang acting, modeling at school. Kaya naman po natin siguro iyon,” pagtapos pa ni Pauline Mendoza.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/12/01/kapuso-teen-actress-gets-biggest-break-via-kambal-karibal/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments