‘Kaibigan lang, halikan lang’: Kakai, nagkuwento tungkol kina Mario Maurer, Ahron Villena

0
63



Nilinaw ng komedyanteng si Kakai Bautista ang kaniyang nakaraan kasama ang aktor na si Ahron Villena at Thai heartthrob na si Mario Maurer.

Sa programang “Gandang Gabi Vice,” muling binuksan ang mga isyung iniuugnay si Kakai sa dalawang aktor.

Nang tanugnin ni Vice Ganda kung nagustuhan ba ni Mario ni Kakai, pabirong sumagot ang komedyante: “Siguro bilang kaibigan.”

Unang nagkakilala sina Kakai at Mario noong 2012 nang magkasama sa pelikulang “Suddenly It’s Magic,” na pinagbidahan nina Mario at Erich Gonzales.

Patuloy na nagpahiwatig ang kaibigan ni Kakai na si Kim Chiu tungkol sa nararamdaman umano noon ni Kakai kay Mario.

Nilinaw naman ni Kakai na hindi niya naging nobyo si Mario, na tanyag sa pagbida nito sa mga sikat na Thai film gaya ng “Love of Siam” at “Crazy Little Thing Called Love.”

“Naging ‘jowa’ mo ba talaga si Mario Maurer?” tanong ni Vice.

“Hindi nga, pa-‘julit-julit’ o, six years na…” tugon naman ni Kakai.

Hindi rin daw siya niligawan ni Mario.

“Nagmahalan kayo?” tanong ulit ni Vice kay Kakai.

Sa puntong iyon, inakap ni Kim Chiu si Kakai.

“E…” saglit na tumigil si Kakai sa pagsasalita bago tuluyang sinabing, “Hindi rin po.”

Ngunit mas naging masigla ang panayam nang malipat ang paksa kay Ahron, na dati ring na-link kay Kakai.

Lantaran kasing inamin ni Kakai na umasa siyang may patutunguhan ang pagkakaibigan nila ni Ahron.

Inamin din ni Kakai na nahalikan niya ang aktor pero nagpaliwanag na wala umanong namagitan sa kanilang dalawa.

“May nangyari sa inyo?” tanong ni Vice kay Kakai.

“Wala nga e, ‘yon ang pinakanakaka-inis, walang nangyari!” tugon ni Kakai habang tumatawa.

“Nahalikan mo, girl?” sunod na tanong ni Vice.

“Oo!” pagmamalaking sagot ni Kakai.

“Matagal [ang halik], girl?” sundot pa rin na tanong ni Vice.

Oo pa rin ang isinagot ni Kakai.

“Masarap, girl? Mahaba, mahabang time [ang halik]?” pagtatanong pa rin ni Vice na tuwang-tuwa sa mga sagot ni Kakai.

“Masarap… mahaba!” sagot naman ni Kakai.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments