Kabado! – Remate

0
89


KABADO ang fans nina Liza Soberano at Enrique Gil sa napipintong paghihiwalay ng kanilang paboritong loveteam. Umuusok na kasi ang balitang hindi si Enrique ang makapapareha ni Liza sa “Darna.”

May pinanggagalingan marahil ang pag-aalala ng Lizquen fans. May kumakalat kasing tsika na baka ang Teen King na si Daniel Padilla ang maging love interest ni Liza sa “Darna.”

A source told us na may nagpu-push daw na itambal si Daniel kay Liza sa “Darna.” Very close raw kay Daniel ang nag-suggest na ang Teen King ang kunin bilang leading man ni Liza for “Darna.”

And when that happens, it may be the start nang pagle-level up ni Daniel bilang solo lead star. Pwede na siyang i-partner sa ibang leading ladies gaya nina John Lloyd Cruz, Gerald Anderson and Piolo Pascual.

Kapag nangyari ‘yun, babu na kaya si Daniel with her “queen” na si Kathryn Bernardo. Pwede rin naman na mas mabuting magkaroon sila ng separate projects ni Kathryn para lang hindi magsawa sa tambalan nila.

As of now kasi, lagi na silang dalawa ang magkasama sa lahat ng TV and movie projects ng ABS-CBN at Star Cinema.

While si Kathryn, pwede na ring mag-level-up at ipareha sa ibang leading man ‘di ba? Kering-keri ni Kathryn magmala-Claudine Barretto na ginawang senswal ni Direk Olive Lamasan sa movie niya with Aga Muhlach, ang “Kailangan Kita.”

A colleague of ours suggested a Kathryn Bernardo-Ian Veneracion ‘Kailangan Kita’ themed-movie and directed by Olive Lamasan.

What do you think dear readers?

—oooOooo—

Kinongratulayt ng netizen nang tinaguriang Millenial Loveteam nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang movie nila na “Kita Kita” produced by Spring Films showing on July 19.

We heard a lot of positive feedback sa mga nakapanood na ng “Kita Kita” sa special screening nito sa UP Theater.

May chemistry raw sina Alex at Empoy on screen. And in fairness, during the presscon ay kitang-kita ang chemistry at rapport nila ni Alex.

“Marami nga po ako’ng nakakausap sa Twitter, Instagram sinasabi po nila ‘yan. Natutuwa po ako at nakakataba ng puso,” pahayag ni Empoy.

Ibinuking naman ni Empoy na may manliligaw daw si Alex nu’ng tanungin siya sakaling magkaroon siya ng feelings sa kanyang leading lady.

“Hindi po taga-showbiz. Hindi po siya dumalaw sa set. Nakikita ko lang po kapag nagte-text siya, malungkot siya,” kwento pa niya.

Paulit-ulit namang sinabi ni Empoy na single siya ngayon. Pero sinabi namin sa kanya na karamihan ng mga komedyante, tsikboy.

“Hindi po, nagkakamali po kayo. Mabait po ako. Wala po ako’ng nilokong girlfriend.”

Never pa raw siyang nagkaroon nng girlfriend na taga-showbiz. Although, for so many years, naging crush nyia si Kaye Abad. Pero ngayon, kaibigan na lang daw ang turing niya kay Kaye.

Ganern? SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments