Juday, sumaludo sa mga sundalo…

0
23


Sumaludo si Judy Ann Santos sa mga sun­dalong nakikipagbakbakan hanggang ngayon sa Marawi City. Bumisita si Juday sa kanila nu’ng isang araw kasama ang ilan at sa Instagram post niya ay inilahad niya ang naging karanasan niya habang kaharap ang mga sundalo.

“Punong puno at busog na busog ang puso ko ngayong araw na ‘to. Nakamayan ko at nagkaroon ako ng pagkakataon na mapasaya ang ating mga sundalong nasugatan sa pakikipaglaban para sa kapayapaan ng ating bayan. Handa silang bumalik sa Marawi pagkagaling nila kasi hindi pa raw tapos ang kanilang laban.

“Nakakabilib ang katapangan at katapatan nila sa pinili nilang propesyon. Ibibigay ang buhay para sa iba. Mabigyan sana kayo mga sir at maam ng tamang pension. Kung sa inyo lang napupunta ang buwis na binabayad namin…nakangiti at excited pa akong magbayad ng buwis…Mabuhay kayo mga tunay naming bayani. Maraming salamat abs-cbn sa napakagandang experience na ‘to. #soldiersofmarawi #livingheroes #lingkodkapamilya,” caption ni Judy Ann. 

Maja, Aiko, pinaligaya ang mga bayani ng Marawi… 

Hindi na malilimutan ng mga nagpapagaling na sundalo at masisipag na health workers sa Victoriano Luna Medical Center (VLMC) ang kaligayahan na ibinigay sa kanila ng cast ng Wildflower at It’s Showtime.

Ilang araw na ang nakalipas, pero abot-tenga pa rin ang ngiti nila, dahil sa masayang ipinakita sa kanila ng mga artista, bilang bahagi ng ika-80 na ani­bersaryo ng ospital nitong Setyembre.

“Sa loob ng 29 taon ko sa serbisyo, ngayon ko lang nakita ang VLMC nang ganito. Maraming sa­lamat sa ABS-CBN. Maski sa labas marami pang gustong manood,” sabi ni Col Patrick S. De Leon, deputy commander ng AFP Health Service Command.

Well, nagsama-sama na sa pagpapaligaya sa kanila sina Maja Salvador, Gerald Anderson, Aiko Melendez, at Tirso Cruz III.

Anyway, una na ngang nagpaligaya sa kanila ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Agosto.

Maja Salvador

Anyway, bonggang opening number nga ang ibinigay sa kanila ng GirlTrends at ni Eric Nicolas, kasunod ang pa-game na “Cash-Ya” kasama ang mga sundalo, at sina Roxanne Barcelo at Ryan Bang. Super-kanta rin ang finalists ng Tawag ng Tanghalan na sina Noven, Froilan, at Marielle.

Nagbigay-pugay rin sa bagong bayani ng ba­yan sina Gerald, Miko Raval, RK Bagatsing, at Joseph Marco. At special din ang sandaling iyon kay Vin Abrenica, dahil nagsilbi rin sa bayan at watawat ang kanyang ama at lolo.

“Masaya kaming mga ordinaryong mamamayan dahil nakakatulog kami ng mahimbing at tahimik dahil alam namin na pinagtatanggol niyo kami. Malaki ang utang na loob naming sa inyo,” mensahe ni Tirso sa mga sundalo.

Pero siyempre, nagdiwang nang husto ang mga manonood nu’ng tumuntong na sa stage si Maja Salvador.

“Maraming salamat sa pagiging inspirasyon niyo at pagbibigay ng lakas niyo para sa bayan. Kayo ang mga bagong bayani ng Pilipinas!” sabi pa ni Maja sa kanila.

Hindi rin naman nagpatalo ang mga sundalo sa pagpapakita ng talento. May kumanta, may tumugtog ng violin, at isang banda ang bumanat ng rock classic na “Sweet Child of Mine” sa pamumuno ng hepe ng Department of Medicine ng ospital na si Lt. Col. Nerio C. Zabala.

“Proud akong makapag-perform para sa mga ba­yani natin galing Marawi, at bigyang-saya sila pagkatapos ng misery ng laban. It’s an honor na makasama ang mga artista. Hindi ko ito pinangarap pero masayang makapag-perform,” sabi ni Mr. Zabala.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa ABS-CBN na rumesponde upang maipamalas ang talento ng aming mga sundalo. Maraming salamat sa oportunidad na inyong binigay at sana magawa natin ito muli,” sabi naman ni AFP Health Service Command commander Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega habang iniabot niya ang regalo ng AFP sa head ng ABS-CBN Integrated Public Service na si Jun Dungo.

Sa pagtulong sa pagibsan ng sakit na dinaranas ng mga bayaning lumalaban para sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng entertainment at public service, muling naisabuhay ng ABS-CBN ang misyon nitong maging “In the Service of the Filipino”.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments