Jovit Baldivino, tinawag na ‘iresponsableng ama’

0
77



Bumuhos ang mga hinanakit ni Shara Chavez sa dating kinakasamang si Jovit Baldovino. Sa panayam ng programang ‘Rated K’, ikinuwento ni Chavez ang ilang dahilan sa hiwalayan nila ng singer.

“Si Jovit po as a father, irresponsible po. Hindi po siya family man,” aniya. “Hindi pa po siya ready [maging ama]”.

Nagsimula umanong maging masalimuot ang kanilang pagsasama nang magbuntis si Chavez. Naging madalas ang kanilang pag-aaway at unti-unting nalululong pa umano ang singer sa sabong.

Sabi ni Chavez, tiniis niya lahat iyon para sa kanilang anak pero ang hindi niya makaya, ang pambababae umano ng “Pilipinas Got Talent” winner.

“Kasi hindi ko na po ito laban, laban na rin po ito ng anak ko,” ani Chavez.

Sa kabila nang pinagdadaanan, handa raw si Chavez na mag-isang palakihin ang anak nila ni Baldivino.

Patuloy namang nakasuporta ang kaniyang pamilya pero nangangamba pa rin sila sa sitwasyon ni Chavez.

Nagsalita rin ang ama ni Chavez tungkol sa isyu. Ani Allan Chavez, itinuring niyang parang tunay na anak si Baldivino.

“Sadya namang kahit pa noong una, anak ang turing ko sa kaniya. Pero sa mga nakaraang araw, wala, wala kahit ni text o ano pa man, akong natatanggap,” aniya.

Sa kabila nito, pinakiusapan niya ang singer na ayusin ang relasyon sa anak kung posible pa.

Paglilinaw naman ni Chavez, wala siyang balak siraan si Baldivino. May pahaging din si Chavez tungkol sa babaeng matagal na nagkimkim bago ‘sumabog’.

Nauna nang pinag-usapan sa internet ang Facebook posts ni Chavez tungkol pa rin sa relasyon nila ni Baldivino. 

Hindi pa nagbibigay ng kanyang panig si Baldivino kahit na sinusubukan siyang hingan ng pahayag. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments