Joshua at Loisa, hindi nag-uusap sa taping ng “The Good Son”?

0
140



Matapos ang box office hit na pelikulang “Love You to the Stars and Back,” bibida naman ang PMPC new movie actor of the year na si Joshua Garcia sa inaabangang teleseryeng “The Good Son.”

Sa teaser pa lang ng palabas, makikitang may tensiyon na sa mga eksena ni Joshua at co-stars na sina Jerome Ponce, Nash Aguas at McCoy de Leon.

Pero paglilinaw ni Joshua at Jerome, walang sapawan sa kanilang dalawa. 

Ayon kay Joshua, walang kumparahang nagaganap sa mga karakter dahil ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang “highlight” sa teleserye.

Na-hot seat din sina Joshua at Loisa Andalio na naging malapit umano sa isa’t isa noong nagka-tandem sila sa afternoon serye na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.”
 
Pero nabitin ang lahat nang mag-iba ng career paths ang dalawa.

Kung si Joshua ay tila naka-move on na, mukhang kailangan pa raw ng oras ni Loisa, na umaming “nagdededmahan” sila sa taping ng aktor.

“Hindi naman po nag-uusap pero nagkaka-eksena… Doon lang po kami sa eksena nag-uusap. Pero okay po kami, pero wala na lang po kaming dapat pag-usapan po,” sabi ni Loisa.

Hiling din ni Loisa na huwag nang gawan ng kontrobersiya ang pagiging malapit nina Joshua at Julia Montes.

“Kasi silang dalawa ni Julia, sanay na ako sa kanila na ganiyan sila na sweet, and lagi ko naman silang nakikita. Siguro po nabigyan na lang po ng meaning ng mga ibang tao kasi first time po nila kaming nakita together na on-screen,” paliwanag ni Loisa.

Naging madamdamin naman ang pahayag nina Joshua, Nash at McCoy nang magbigay sila ng mensahe sa kanilang mga tatay.

Mapapanood ang “The Good Son” sa Setyembre 25 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

— Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments