Jolina, labis ang pasasalamat kay Jaya

0
26



MANILA — Labis ang pasasalamat ng aktres at host na si Jolina Magdangal kay Jaya na naging inspirasyon niya pagdating sa buhay pamilya.

“Kaya ako siguro ngayon may happy ending sa buhay, na may asawa akong mabuti, mabait, at may pamilya akong masaya dahil na-inspire ako sa kanya,” ani Jolina sa “Magandang Buhay” nitong Martes.

“Mayroon siyang sinabi noong ikinasal siya kay Kuya Gary (Gotidoc) na pinsan ko, sabi niya, ‘Ganoon pala ‘yon, kapag nahanap mo ang taong para sa iyo, mawala na ang lahat basta alam mo na na kumpleto ka.’ At nung sinabi niya ‘yon, ‘yun na ang realization ko talaga nung time na ‘yon, basta alam ko magkakaroon ako ng happy ending.

“Kaya nung nangyari talagang sobrang thankful ako. Kasi talagang na-inspire mo ako. At saka tuwing kausap ko siya, nakita niya na akong umiyak, na frustrate, (umiyak) sa banyo, lahat, sa showbiz, alam ni Ate Jaya lahat ‘yon. Kaya sobrang thankful ako Ate forever,” dagdag ni Jolina.

Para naman kay Jaya, nagpapasalamat din siya kay Jolina sa pagkakataong maging magkaibigan sila at pagkatiwalaan siya nito.

“Natutuwa ako sa iyo kasi ‘yung blessings na hinihiling mo ay ibinibigay at mas marami pa. Sobrang mahal ka namin, mahal kita, magkapitbahay lang tayo. if you ever need me for anything beyond anything na kung ano ang sa tingin natin ay kakayanin natin I will do, just ask and I will be here. I love you,” ani Jaya.

Sa sobrang pagiging malapit ni Jolina kay Jaya, naging ninang niya ito sa kasal at ninang din ng kanyang anak na si Pele.

Maliban kay Jaya, bumisita din sa “Magandang Buhay” sina Kyla, Jason Dy at Erik Santos para batiin si Jolina sa kanyang kaarawan at pagdiriwang niya ng ika-30 anibersaryo sa showbiz.

Kinumpirma din ni Jolina na siya ay buntis sa pangalawang pagkakataon sa kanyang asawang si Mark Escueta.

 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments