John Lloyd Cruz at Ellen Adarna magpapakasal na

16


NAKATAKDANG magpakasal ang controversial couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Kinumpirma ng talent manager na si Lolit Solis na malapit nang lumagay sa tahimik sina Lloydie at Ellen.

Isa sa mga araw na ito aniya ay magaganap ang beach wedding ng dalawa sa isang exclusive beach resort sa Cebu.

Mula aniya ang impormasyon sa isang kaanak ni Ellen na kumumpirma rin na limang buwan na ang ipinagbubuntis ng sexy star.

Nitong nakalipas na araw ay tila kinumpirma naman ng dalawa na may basbas na ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng mga larawan kung saan kasama si John Lloyd sa family pictures nila Ellen nitong holidays. -30-





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments