Jessy M., laglag sa Sexiest Pinay | Tempo

0
112


KUNG hindi tinanggap ni Regine Velasquez ang role niya sa “Mulawin Vs. Ravena,” hindi na sana isasama ang karakter niya bilang Sandawa. Wala ito sa original version ng “Mulawin” at sadyang nag-create ng bagong karakter sa sequel nito ngayong 2017.

Walang ibang naisip ang big bosses ng GMA7 kundi si Regine para gumanap bilang Sandawa. Tailor-made kasi sa kanya ang role bilang isang Diyosa ng kalikasan at may eksenang kakanta siya.

Hindi na nag-inarte pa si Regine at pumayag siyang maging nanay ni Lovi Poe (as Magindara) sa MVR.

Si Regine rin ang kumanta ng theme song, “Ikaw Nga.” Ang MVR ang kapalit ng “Encantadia” na panalo sa rating ang final episode nito. Nag-trending din nationwide and worldwide ang official hashtag na #IvoLiveEncantadia.

First time

Matapos ang stint niya sa “Encantadia,” pasok naman si Christian Bautista sa bagong GMA series, “My Love from the Star.” Mukhang nalilinya si Christian sa acting project at naisasantabi muna ang pagiging singer niya.

Ani Christian, okey lang dahil nahahasa siya sa aktingan. Wala na siyang kailangang patunayan bilang singer kung saan una siyang nakilala. Sumikat din siya sa Indonesia at itinuring siyang big star doon.

Nami-miss na niya ang pagkanta since walang variety show ngayon ang GMA. Happy naman siya sa acting project na ibinibigay sa kanya dahil marami siyang natututunan. Gusto niya ring madevelop bilang isang aktor.

Sa MLFTS Christian plays Winston Libredo na kababata ni Steffi (Jennylyn Mercado). First time nila magkatrabaho na ani Christian, masaya at magaan katrabaho si Jen.

Laglag

Puwede pang humabol ang fans and supporters ni Jessy Mendiola para makapasok siya sa Top 10 para sa FHM’s 100 Sexiest Pinay poll for 2017. Hanggang June 1 pa ang botohan.

Sa partial and unofficial list ay laglag si Jessy sa Top 10. Last year ay siya ang tinanghal na Sexiest Woman na umani naman siya ng panlalait mula sa bashers/haters niya.

Nangunguna si Nadine Lustre sa partial and unofficial list. Pangalawa si Angel Locsin, Rhian Ramos (3), Jennylyn Mercado (4), Marian Rivera (5), Anne Curtis (6), Angelica Panganiban (7), Toni Gonzaga (8), Bea Alonzo (9) at Arci Muñoz (10).

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/05/25/jessy-m-laglag-sa-sexiest-pinay/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments