Jessy, ayaw magpatalbog | Tempo

0
109


MAY mga nagtatanong kung totoo raw ba o baka photoshopped lang ang sexy photo ni Jessy Mendiola sa recent post niya sa social media? Kita ang shapely body niya sa kanyang two-piece swimwear.

Pinagdudahan si Jessy ng isang netizen at tinanong siya kung bakit sa TV ay ang taba niyang tingnan. Paliwanag ng aktres, nag-ge-gain daw kasi ng ten inches kapag nasa TV screen.

Mukhang ayaw patalbog ni Jessy at gusto niyang mapasama sa 2017 FHM’s Sexiest Pinay, kaya kinarir niya ang pagpapapayat. Kung magsisipag ang kanyang fans sa pagboto, posibleng makahabol pa siya sa huling botohan ngayong June 1.

Hindi kaya ayaw ni Jessy na matalbugan siya ni Angel Locsin? Sa unofficial partial list ay pangalawa si Angel. Sa napanood naming appearance niya sa “Maalaala Mo Kaya” ay kapansin-pansin ang lapad ng kanyang katawan. Comment ng televiewers, mukhang nanay na ang itsura ni Angel. Nakabog siya ng hot mamas na sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado na may tig-isang anak na.

In fairness, BY (beautiful) pa rin ang face ni Angel. Acting-wise, mahusay niyang nagampanan ang karakter bilang isang Muslim. Pati punto ng pagsasalita, naitawid ni Angel. Ang galing niya.

Isyu

Hindi naman siguro na-offend si Marian Rivera sa sinabi ni Andrea Torres sa guesting nito sa isang TV show na para sa kanya, si Carla Abellana ang pinakamagandang aktres sa showbiz.

Wala naman sigurong intensiyon si Andrea na magsimula na naman ng intriga sa kanila ni Marian. Nagpakatotoo lang si Andrea sa sarili niya nang piliin niya si Carla. Kanya-kanya namang paningin at/o panlasa sa paghusga ng kagandahan ng isang tao.

Huwag na sanang gawing isyu ng ilang fans na si Carla ang pinakamagandang aktres sa showbiz para kay Andrea. Kapuwa na tinuldukan ng dalawang Kapuso stars ang diumano’y pinagselosan ni Marian si Andrea na nakatrabaho ni Dingdong Dantes sa “Alyas Robinhood.” Abangan kung kasama pa si Andrea sa part 2 nito. Kapag hindi na, saka na lang mag-isip kung bakit.

Nagsisisi

Sa nalalapit na pagtatapos ng “Legally Blind,” mukhang nagsisisi na si Charie (Lauren Young) sa pang-aaway kay Grace (Janine Gutierrez) at sa pagtalikod sa kanyang pamilya. Tinitikis na siya ng mga ito dahil sa pagkamatay ni Nina (Therese Malvar).

Makikita na kaya ni Charie na si William (Marc Abaya) ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sa kanya?

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/01/jessy-ayaw-magpatalbog/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments