Jennylyn denies rumored engagement with Dennis | Tempo

0
92


ITINANGGI ni Jennylyn Mercado ang tsismis na umano’y engaged na siya sa boyfriend niyang si Dennis Trillo.

“Hindi po totoo. Wala pong nangyayaring ganun at saka malabong mangyari iyon. Ni hindi pa nga po namin napag-uusapan ang pagpapa-kasal,” sabi ni Jennylyn.

Ready ba siya if ever mag-surprise proposal si Dennis sa kanya? “Ay, hindi ko pa po alam. Pero sa ngayon, malabo pa iyan. Malabong-malabo pa.”

Happy lang daw sila pareho sa kanilang relasyon nga-yon. Pati rin daw ang kanilang mga pamilya ay malapit sa isa’t isa. May pagkakataong nag-jamming pa raw ang mga ito. “Ganun lang talaga, kasi ‘yung daddy ko musician. Nung nagpunta sila sa bahay, nagdya-jam-jam lang.”

Samantala, parehong busy nga-yon sina Jennylyn at Dennis dahil sa magkahiwalay na teleseryeng pinagbibidahan nila sa GMA-7. Si Dennis ay bida sa “Mulawin vs. Ravena”, habang si Jennylyn naman ay bida sa Pinoy adaptation ng hit Korean series na “My Love From The Star”.

May temang romantic-comedy ang serye ni Jennylyn. Bagama’t nakagawa na siya ng rom-com sa mga pelikula, naging challenging pa rin daw sa kanya ang rom-com sa TV. “First rom-com ko ito sa TV. Kaya talagang pinag-aralan ko ’yung role kasi mahirap na hindi ko talaga magawa nang tama si Steffi, nakakahiya sa original, di ba? Mahirap siyang gawin sa totoo lang, mahirap siyang i-portray ‘yung role ni Steffi kasi kakaiba siyang tao e. Kaya medyo challenge ito para sa akin.”

Makakatambal niya sa “My Love From The Star” ang bagong Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva. Ano ang masasabi niya kay Gil bilang co-star? “He’s very open, very willing matuto, mag-aral, ganyan. And ’yung curiosity niya talagang malala, ‘Anong pwede kong gawin?’ ganyan. Tapos ang dami niyang tanong. Gustung-gusto niyang matuto,” anang aktres.

May rebelasyon pa si Jennylyn sa first kissing scene nila ni Gil sa serye. “Si Direk (Joyce Bernal) talagang, ‘Ay, paulit-ulit tayo. Hangga’t hindi maayos iyan hindi kayo uuwi.’ So, paulit-ulit lang naming ginawa. Ang dami, mga nine takes, mga ganun.”

Bakit inabot ng nine takes? “Kasi walang ma-feel si Direk. Parang feeling niya, nakikita ni Direk na nahihiya pa kami sa isa’t isa.”

Ngayon daw ay kumportable na sila sa isa’t isa ni Gil. Mapapanood ang “My Love From The Star” mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad simula sa May 29. (Glen P. Sibonga)

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/05/25/jennylyn-denies-rumored-engagement-with-dennis/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments