JC Santos feels good to be beautiful and blessed | Tempo

0
37


By Glen P. Sibonga

Ikinagulat daw ni JC Santos na nakasama siya sa listahan ng Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars 2017. Napabilang siya sa kategoryang Wow Factor!, kung saan kasama niya sina Joshua Garcia, Sanya Lopez, Christian Bables, at Jasmine Curtis-Smith. Kaya naman lubos ang kanyang kasiyahan at pasasalamat.

“Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon ko. It’s an honor, thank you for thinking na I’m beautiful. Thank you sa Yes Magazine,” ani JC.

Hindi nga raw niya iniisip na beautiful siya o guwapo. “Kaya nga ako nag-theater kasi naiintindihan ko sa sarili ko na layo-genic ako e, alam mo yung guwapo pag malayo,” natatawa niyang sabi. “Siguro hindi lang ako sanay na nakikita yung sarili ko sa screen, so kinonsider ko yung sarili ko sa theater, kaya ako nag-theater.”

Nagpapasalamat lang daw siya sa tuwing may nagsasabing guwapo siya. Pero ngayon bang artista na siya sa telebisyon at pelikula, mas confident na siya sa hitsura niya? “Well, mas confident na ako, so far. Ewan ko, nasanay na lang siguro. Acting naman yung dala ko e, at least talent yung puhunan ko.”

Nagpapasalamat din si JC sa sunud-sunod na blessings at magagandang opportunities na dumarating sa kanya. Nagsimulang bumongga ang career niya nang mapabilang siya sa mga bidang dating ABS-CBN teleseryeng “Till I Met You” kasama sina James Reid at Nadine Lustre. Napanood din siya sa “I Can Do That” at “Wansapanataym Presents Annika Pintasera” with Julia Montes. Noong July 8 ay pinuri ang acting niya at ni Sylvia Sanchez sa “Ipaglaban Mo” sa pagganap niya bilang isang pipi’tbingi na nakasaksi sa isang krimen.

Ano pa ang aabangan sa kanya this year? “Napakadami pa. So far, this coming August may dalawa akong pelikula. Yung isa for Cinemalaya, ang “Nabubulok” directed by Sonny Calvento. Kasama ko sina Gina Alajar, Jameson Blake, Lito Pimentel, at marami pang magagaling na artista. Yung isa pa para sa Pistang Pelikulang Pilipino, kasama ko si Bela Padilla sa “100 Tula Para Kay Stella”. And then sa TV may parating akong teleserye under Dreamscape, yung “Victims of Love”, kasama ko sina Paulo Avelino at Julia Montes.”

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/07/17/jc-santos-feels-good-to-be-beautiful-and-blessed/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments