James Reid, mas pipiliin pa ang friends kesa girlfriend

0
76


MAPAKLA ang reaksyon ng mukha ni Nadine Lustre sa sagot ni James Reid kay Vice Ganda na mas pipiliin pa nito ang friends kesa sa kanyang girlfriend.

Marami ang naawa kay Nadine. Sino bang karelasyon ang matutuwa sa sagot na ito?

Malinaw daw ang sagot ni James na hindi talaga nito labs ang huli. Kaya mali rin ang pralala ng nanay ng aktor na mahal nila si Nadine. Na hindi ito ginagamit ng kanyang anak. Para saan ang paliwanag na ‘yan, para sa damage control ng anak niya dahil nabibilasa na ang career?

Sabi pa ni James, kailangan daw marunong makisama ang kanyang syota sa kanyang mga kaibigan. Susme! Baligtad yata?

Eh, nagkataon namang okey daw ang martir sa Golgota na si Nadine sa kanyang mga kaibigan kaya walang problema.

Marami tuloy ang nagpayo sa singer/actress na kumalas na ito sa manggagamit na boyfriend. Maghiwalay na sila dahil naghahatakan lang sila pababa. Hindi pa ba nila nararamdaman ‘yon?

AUDIENCE NAGBALIKAN NANG KUMANTA SI PAULINE CUETO

Nakatutuwa ang kuwento ng ilang fans na nanood sa Feel His Love..A Father’s Day Show ni Raine Gibbz last June 23 sa Farmer’s Plaza. Actually, medyo nairita sila dahil huli na nang ipinasok si Pauline Cueto kung saan nagaalisan na ang audience. Pero nang bumanat na ng kanta si Pau ay nagbalikan ang mga manonood.

Ayon kay Raine, kaya raw niya kinuhang guest performer si Pau dahil crowd-puller ito-para na-maintain ang presence ng audience sa show.

Kung puro kasi mellow singer na takot bumirit ang kakanta aba’y aantukin nga ang manonood. Hindi katulad ni Pauline na mas lalo pa nitong hinahamon ang sarili sa mga high notes na binabanatan niya sa kanyang sing and dance performance.

Isa na lang hiling namin kay Pau, ituloy-tuloy nito ang nasimulan niyang pagda-diet para mas lalong maging malakas ang arrive niya onstage, at malay natin sa mga susunod na araw ay maging tauhan na rin siya sa puting tabing.

***
Para sa inyong komento at suhestiyon, ipadala ito sa kuya_abepaul@yahoo.com. Maaari rin kaming mapakinggan sa programang Star na Star sa DWIZ 882khz, mapapanood sa Facebook streaming at Youtube. PAPAK!/ABE PAULITE

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments