Jake Zyrus, masaya sa kanyang ‘pagbibinata’

0
54



MANILA — Inamin ni Jake Zyrus na masaya siya ngayon sa kanyang “pagbibinata.”

Sa panayam niya sa “Magandang Buhay” nitong Miyerkoles, inamin ni Jake na ramdam na niya ngayon ang kanyang pagiging binatilyo. 

Sumailalim si Jake sa testosterone replacement therapy at top surgery o pagpapatanggal ng kanyang hinaharap bilang bahagi ng kanyang transition sa pagiging lalaki.

“Yung testosterone hormone, in-inject sa akin ‘yon, almost three months ago. ‘Yun po ang mga changes — ‘yung voice, facial hair, ‘yung sa body po,” ani Jake.

Giit ng mang-aawit, hindi niya pinilit ang naging pagbabago sa kanyang sarili.

“Sa totoo lang po, wala akong ginawang sobrang laking preparation, kasi alam ko naman sa sarili ko na ito talaga ang gusto ko. So, wala pong nangyari na parang pinilit ko na ‘o dapat ito ang gawin ko, dapat ito.’ Kasi naramdaman ko lang po talaga na ‘yung mga bagay na dapat ko lang tahakin, kasi alam ko kung sino ako at ano ba talaga ako,” aniya.

Dagdag ng mang-aawit, higit sa pisikal na pagbabago sa kanyang sarili, mas inihanda pa nga niya ang kanyang damdamin sa reaksiyon ng mga tao sa kanyang pagbabago.

“I mean, I’ve gone through some operations like top surgery ‘yung ganyan, testosterone. Pero ‘yung preparations, ‘yung nararamdaman ko kumbaga para sa akin, ang pinaka-preparation lang I guess ‘yung expectation ko sa magiging reaction ng tao, kung paano ko ihahanda ang sarili ko. But then again expected ko na hindi din naman ito picnic, hindi ito laging happy ending. Kung may masaya, mayroon ding hindi okay, which is okay lang din dahil ‘yun ‘yung bumabalanse ng buhay ko,” dagdag ni Jake na ipinakilala ang sarili nito lamang nakaraang buwan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments