Jagiyas panic mode sa pasabog nina Heart-Alexander

0
23


Ano itong narinig­ namin na may mala­king pasabog ang My Korean Jagiya? Pardon me sa pag-panic­ pero ang ganda-ganda na ng mga nangyayari bet­ween Jun Ho and Gia, kaya saan ba kami dapat maghanda?!

Nagtweet si Heart Evangelista na may narinig daw siyang magandang balita at never pa raw itong nangyayari sa show. Ano kaya ito? Bagong aktor na papasok? May plot twist? Can’t wait na ang mga #Jagiyas!!

Park Hyung Sik ng ‘Strong  Girl…’ nasa Pinas

Over sa lakas ang ating superpower girl dahil hindi matalo-talo ng kalabang programa ang very sweet pero super lakas na Strong Girl Bong Soon! Walang palag ang grupo ng mga la­laki sa lakas ni Bong Soon dahil ito pa rin ang tinututukan ng mga viewers tuwing weeknights! Sino ba namang hindi tututok kung napaka-sweet at napakalakas ng dating ng love team nina Bongbong at Mikmik? Sakto ang pagda­ting ng leading man na si Park Hyung Sik dito sa Pinas dahil mas lalong kina­panabikan ng vie­wers ang mga eksena! Curious tuloy sila kung may paandar din ba ang bidang si Park Boyoung sa gagana­ping fan meet ni Hyung Sik ngayong Sabado. Kaya dapat wag bumitaw sa mga darating pang epi­sodes para ma-impress si CEO Mikael Ahn sa mga Pinoy viewers!

Super Ma’am tagumpay laban sa Tamawo

Marian Rivera

Bagay na bagay kay Marian Rivera na maging endorser ng local clothing brand dahil lutang na lutang ang ganda niya rito. Napaka-blooming ng itsura niya at walang bahid ng pagod. Kahit na busy siya sa Primetime show na Super Ma’am ay ang fresh pa rin niyang tignan sa TV.

Kita ring ganado siya sa bawat eksena lalo pa ngayon na mas nagiging matagum­pay na si Super Ma’am sa mga Tamawo. Nahanap na ni Super Ma’am ang tatalo kay Baraka kaya one less problem para sa ating superhero! Samantala, mukhang mapapatuna­yan nang pwedeng pagkatiwalaan ang karakter ni Kris­toffer Martin na si Isagani. Siya ang nakapatay sa ahas na may dala ng sakra na nakatalo sa Tamawong si Baraka.

Alfred keber sa father role

Malaki ang pasasalamat ni Alfred Vargas na mabigyan ng magandang karakter sa upcoming primetime soap ng Kapuso Network lalo na at makakapareha niya si Carmina Villarroel. Dagdag pa niya, nakakataba ng puso na hindi siya nakakalimutan ng Network at una niya itong naramdaman noong imbitahan siyang mag-guest sa Encantadia requel.

Hindi rin siya ­bo­thered na gumanap na ng father role dahil ang importante sa kanya ay makabalik sa pag-arte na sa pag-amin niya ay passion niya rin talaga bukod sa public service. Marami nang nakaabang sa magiging kwento ng bagong primetime soap na ito dahil puro patikim pa lang na karakter ang pinapaalam — at biga­ting ensemble of cast ang ino-offer nila!

Audition ng Pinoy version ng F4 dadagsain ng aspiring celebs

Isang malawakang audition ang pangungunahan ng GMA Network at partner nitong Korean production outfit na JU Entertainment Movie and ­Drama Inc. para sa gagawin nilang Pinoy version ng sikat na Korean drama na Boys Over Flowers.

Matagal nang hinihiling ng mga Pinoy na magkaroon ng version dito at nga­yon ay bibigyang katotohanan na ito ng Kapuso Network! Malaki ang chance na maging ma­lawak at makabago ang atake sa pagpili ng mga gaganap sa F4 dahil importanteng maging true to the ori­ginal ­story pero Pinoy na Pinoy sa panlasa ang magi­ging remake.

Hindi lang Kapuso stars ang mag-o-audition dahil open ito sa lahat maging baguhan at aspi­ring celebrities. Stay tuned for more details dahil exciting ang bagong project na ito ng GMA!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments